^

True Confessions

Halimuyak ni AYa(468)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASASABIK ako sa ikinukuwento mo Numer. Alam mo ba, gusto ko nang hatakin ang araw na magkikita si Abdullah at ang anak niyang si Doc Sam,’’ sabi ni Imelda na halatang masaya ang boses.

“Ako man, Imelda. Hindi ko akalain na ganito ang mangya­yari na siya pa ang makikiusap na ha­napin ko si Cristy at ang anak niya.’’

“Talagang sinabi niya iyon, Numer?’’

“Oo. Alam kasi niya na yung pinagbubuntis ni Cristy ay siya ang may kagagawan. Kaya nga siguro nakokonsensiya siya at gustong makita si Cristy. Siguro gustong magbayad ng kasalanan.’’

“Pero paano kaya kapag nalaman niyang patay na si Cristy?’’

“Siguro malulungkot siya. Pero buhay naman ang anak niya kaya siguro magiging masaya rin.’’

“Pero sa­bi mo, hiling niyang ilihim ang pag-hahanap kay Cris­ty. Ka-yong da­lawa lang  da­pat ang makaaalam.’’

“Oo. Sigu­ro, ayaw niyang magka­roon ng pro­blema sa asawa niya.’’

“Pero humahanga ako kay Abdullah sa pagsisikap na makita si Cristy at anak niya.’’

“Oo nga. At sinabi nga pala ni Abdullah, nang tumakas si Cristy sa kanila at nagtungo sa Philippine Embassy, nagpunta siya roon at hinanap ito pero hindi nakita.’’

“E ano ang balak mo ngayon, Numer?’’

“Sabi ko nga kay Abdullah, hahanapin ko si Cristy. Ako ang bahala. At alam mo ang sabi niya, lahat nang gastos sagot niya. Siya raw ang bahala kung gusto kong umuwi ngayon din para hanapin si Cristy. Wala raw akong dapat ipag-alala sa lahat. Basta raw makita ko si Cristy at anak nila.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ABDULLAH

ALAM

CRISTY

DOC SAM

NIYA

NUMER

OO

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with