^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (466)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

NAGPATULOY si Numer sa pagkukuwento ukol sa napag-usapan nila ni Commdr. Abdullah Al-Ghamdi nang anyayahan siya nito sa opisina sa Batha. Bukod sa pagi-ging mataas na opisyal ng Saudi Navy ay masipag pala si Abdullah at maraming negosyo. Tungkol sa maid na Pinay na si Cristy ang kinuwento.

“Sabi ni Commodore Abdullah, naging maid daw nila si Cristy noong dekada 80. Mga 25 years old daw si Cristy noon at siya ay tinedyer pa lamang. Maganda raw si Cristy. Hindi raw niya alam kung ito ay may asawa na noon. Basta wala raw siyang alam sapagkat siya ay isang tinedyer na wala pang plano sa buhay noon. Sa katunayan, spoiled brat siya ng mga panahong iyon at maraming kabarkada. Hindi raw siya seryoso sa pag-aaral noon. Paano’y maykaya ang kanilang pamilya. May taniman sila ng spinach, dates, watermelon at kung anu-ano pa. May negosyo ring tindahan ng tela sa Manfouha ang kanyang ama. Kaya wala raw siyang pagsisikap noon. Inamin ni Abdullah na marami siyang kasalanang nagawa noong kabataan niya. Pero habang nagbibinata raw ay nakapag-isip-isip siya. Naisip niya na dapat ay magbago siya ng ugali at sundin ang mga turo ng kagandahang asal at pati na ang kay Allah.

“Sabi ni Abdullah, nagkaroon siya ng pagnanasa kay Cristy. Kasi naman daw ay talagang maganda ang Pinay. Bukod sa maganda ay mabait at masipag pa. Napapansin daw niya na parang walang kapa­guran si Cristy. Pero sa kabila niyon ay hindi raw nagrereklamo si Cristy.

“At sa pagdaraan daw ng mga araw ay nadadagdagan ang pagnanasa niya kay Cristy. Nasa kasiglahan ang kanyang dugo palibhasa’y kabataan pa. Lalo para sumiklab ang pagnanasa nang minsan ay makita niya si Cristy na naglilinis sa banyo. Natangay siya ng pagnanasa at pi­nasok ito sa banyo. Sa pagkagulat ay hindi raw tumanggi si Cristy. Nagpaubaya raw…’’

Tumigil si Numer sa pagkukuwento.

“Anong nangyari  Numer?” Tanong ni Imelda.

“Sensored na Imelda. Alam mo na siguro yun.’’

“Nangyari na?’’

“Oo. Naulit pa raw nang naulit. Hanggang sa mabuntis daw si Cristy. At lumayas nga ito sa kanila at nahantong sa Philippine Embassy. Ang sumunod na sinabi ni Abdullah ang ikinagulat ko. Tulungan ko raw siya na makita si Cristy…

(Itutuloy)

vuukle comment

ABDULLAH

ABDULLAH AL-GHAMDI

BUKOD

COMMODORE ABDULLAH

CRISTY

IMELDA

NUMER

RAW

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with