Halimuyak ni Aya (442)
HINAWAKAN ni Doc Paolo ang balikat ni Doc Sam. ‘‘Sam, ikaw na ang bahala kay Tita Sophia mo. Mahusay kang Doktor at naniniwala ako sa kakayahan mo, please Sam…’’
“Opo Papa, huwag kang mag-alala.’’
“Sa labas lang muna kami ni Aya. HinÂdi ko makayang tingÂnan ang kalagayan ni Tita mo. Doktor din ako pero mahina na ang loob ko lalo at sangÂkot si Sophia,’’ parang maiiyak si Doc Paolo.
Hinawakan ni Sam sa balikat ang biyenan. Pinapayapa ang kalooban nito.
Lumabas na sina Doc Paolo at Aya. Karga ni Aya ang anak.
Naupo sila sa sopa na nasa lobby ng ospital. Hindi mapakali si Doc Paolo. Tatayo at uupo.
‘‘’Pa, huwag kang mag-worry, relax lang, gagaling si Tita.’’
Naupo si Doc Paolo.
‘‘Sana huwag muna akong iwan ni Tita Sophia mo, Aya. Bigyan pa sana siya ng Diyos nang mahaba-haba pang buhay. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyari.’’
“Makakaligtas si Tita. Please huwag kang mag-worry. Baka ikaw naman ang magkasakit at…’’
Natahimik si Doc Paolo.
Patuloy si Aya sa pagpapalakas sa loob ng ama.
‘‘Hindi pa babawiin ng Diyos si Tita dahil ngaÂyon pa lang kayo lubusang nagkakasaÂma. Di ba marami ka pang ipakikita sa kanÂya para mapatunayang mahal na mahal mo siya.’’
Napatangu-tango si Doc Paolo.
‘‘Hindi pa mawa-wala si Tita dahil kailangang makita muna niya ang ilan pang mga apo. Di ba sabi niya, kailangang sundan kaÂagad si Pao para laÂlong maging masaya ang bahay natin…’’
Nagliwanag ang mga mata ni Doc Paolo at pinagmasdan ang natutulog na apo na isinunod din sa kanya ang pangalan.
“Ako nga ang kakarga kay Pao. Nahihirapan ka na dahil mabigat na ‘yan,’’ sabi at kinuha kay Aya ang apo na tulog na tulog.
“Ang bigat na nga ng apo ko,’’ sabi at pinagmasdan si Pao. ‘‘Guwapung-guwapo talaga!’’
“Kamukha mo nga siya, Papa.’’
“Magiging doktor din ito katulad ko at katulad ng daddy niya.’’
“Sabi ni Sam, gusto niya apat na lalaki ang anak at pawang doktor lahat.’’
‘‘Talaga? Naku e di lalo nang ang saya namin ni Sophia. Ayaw n’yo ng babae ?’’
‘‘Siyempre gusto rin. Mga apat na babae raw gusto niya.’’
“Baka magdoktor din, ha-ha-ha! Matutuwa si Sophia kapag ganyan karami ang apo niya!’’
“Kaya huwag kang mag-worry kay Tita Sophia. Alam ko maÂÂkakaligtas siya. MaÂdudugtungan ang buhay niya dahil maÂrami pang magagandang mangyayari sa ating buhay.’’
Hanggang sa makita nila ang pagdating ni Doc Sam. Nagmamadali. (Itutuloy)
- Latest