^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (416)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 SINO kayang lalaki ang naghahanap sa kanya? Kinabahan bigla si Aya.

‘‘Paaakyatin ko po ba Mam o ikaw na po ang bababa. Nasa lobby po ang lalaki,’’ sabi ng lady guard.

“Bababa na ako. Thanks.’’

‘‘Salamat po Mam Aya.’’

Inayos naman ni Aya ang sarili. Kinakabahan pa rin siya. Sino kaya ang lalaking naghahanap sa kanya? Ngayon lang may naghanap sa kanya sa buong panahon ng pagta­trabaho niya sa publi­cation. Kapag sinusundo siya ni Sam ay umaakyat dito sa department nila. Kilala na rin si Sam ng mga guwardiya. Kaya takang-taka si Aya kung sino ang lalaking nasa lobby.

Bumaba na si Aya. At habang bumababa sa paikot na hagdan, palakas nang palakas ang tibok ng puso niya. Parang tinatambol. Pero kailangang maging relaks siya. Tinuruan niya ang sarili na huwag pangunahan ng kaba.

Bago marating ang lobby ay may dadaanang comfort room. Ipinasya muna ni Aya pumasok sa CR. Paraan para maalis ang nadaramang kaba. Pinagmasdan ni Aya ang sarili sa malaking salamin. Matagal. Malinaw na malinaw ang salamin sa CR. Relaks, Aya! Relaks!

Pagkaraan ay lumabas na si Aya. Tinungo niya ang salaming pinto na dara­anan niya para marating ang lobby. Nasa kabila lamang ng pinto ang lobby.

Pagbukas niya ng pinto, nakita agad niya ang la­laking naghihintay sa kanya­. Lalo pang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Nakita na rin siya ng lalaking naghihintay.

Mabilis na humakbang si Aya palapit sa lalaki. Ang lalaki nang makitang papalapit siya ay tumayo mula sa pagkakaupo.

‘‘Papa!’’

Ang papa ni Aya ang lalaki --- si Dr. Paolo del Cruz. Pero malaki na ang ipinagbago ng doktor. Tumanda ito. Payat. Maputi ang buhok. Malamlam ang mga mata. Halatang may dinadalang problema. Hindi na siya katulad noon na masiglang kumilos at buhay na buhay­.

Yumakap si Aya sa kanyang papa. Pagkatapos ay umiyak habang nakasubsob sa balikat ng ama. Nayugyog ang balikat niya. Nakatingin naman ang ilang tao na nasa lobby pati ang lady guard na sumundo sa kanya.

Matagal na nakayakap si Aya sa kanyang papa. Wala namang nasabi ang kanyang papa sa pagkakataong iyon. Tila tulala sa pagkakataong iyon.

(Itutuloy)

 

AYA

BABABA

BUMABA

DR. PAOLO

MAM AYA

MATAGAL

NIYA

PERO

RELAKS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with