^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (401)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Ganoon na lamang ang pagtataka ni Julia nang pagmulat ng kanyang mga mata ay si George ang nakatunghay sa kanya. Hubad si George. Nana-naginip ba siya? Ang akala niya ay si Sam ang katalik niya! Bakit si George ang nasa ibabaw niya!

“Walanghiya ka George! Walanghiya, anong ginawa mo sa akin?” Pilit na kumawala si Julia sa pagkakadagan ni George pero hindi niya magawa. Naramdaman niya ang pananakit sa dakong kaselanan. Inangkin na siya ni George. At ang buong akala niya, si Sam ang umaangkin sa kanya.

“Hayup ka George! Hayup!”

Tinangka ni Julia na kalmutin si George pero maagap na nahawakan ang kanyang kanang kamay. Parang naipit ng bakal ang kanyang ka-may. Napaka-higpit.

“Hayup ka idedemanda kita! Ipahuhuli kita!”

Muli siyang nagpipig­las. Pilit na kumakawala sa pagkakadagan ni George pero lalo siyang naiipit at nasasaktan.

“Pakawalan mo ako, hayup ka. Idedemanda kita. Mabubulok ka sa bi­langguan!”

Pero hindi nagsasalita si George. Nakatingin lang kay Julia na para bang handang harapin ang anumang kasalanan na ipapataw sa kanya. Walang pagkatakot o kaya’y kaba man lang sa nagawa kay Julia.

“Hindi kita magugustuhan hayup ka! Kahit anong mangyari, hindi ako papayag na maging asawa mo!”

Parang walang narinig si George. Inaasahan na niya iyon. Alam naman niya na si Sam ang talagang gusto ni Julia. Kaya nga siya kinutsaba ni Julia ay para maagaw si Sam kay Aya. Alam niya na wala siyang maaasahang pagmamahal mula kay Julia. Pero kahit na wala siyang maaasahan, nagpilit pa rin siyang mapalapit kay Julia. Kaya nga siya pumayag na maging kasangkapan para mapaglayo sina Sam at Aya, na hindi naman niya ginawa dahil nakokonsensiya siya. Hindi alam ni Julia na sinumbong na niya ito kay Sam.

“Ang sabi ko sa’yo si Aya ang pakialaman mo at hindi ako. Bakit ako ang ginalaw mo? Bakit ako?’’

Noon na nagsalita si George. Kailangan na niyang magsalita. Gusto niyang malaman ni Julia ang dahilan.

“Nagawa ko iyon dahil ma­hal kita, Julia. Sobra-sobra ang pagmamahal ko sa’yo. Noon pa, minahal na kita.’’

“Hayup ka, pakawalan mo ako! Idedemanda kita!”

“Kahit anong gawin mo, Julia, nakahanda ako. Basta ito lang ang masasabi ko sa’yo, mahal na mahal kita! Yung nagawa ko sa’yo, ginawa ko dahil mahal kita!”

“Hindi kita maaaring mahalin! Wala kang maaasa-han sa akin! Pakawalan mo na ako! Nasasaktan  ako!”

Walang nagawa si George kundi luwagan ang pagkakahawak kay Julia. Inalis din niya ang pagkakadagan kay Julia at sa halip ay niyakap niya ito. Mahigpit.

Lalong nagpipiglas si Julia.

“Hayup ka! Hayup ka!”

“Kahit anong itawag mo sa akin, tatanggapin ko. Basta tandaan mo, ito Julia, mahal kita.’’

“Hindi kita maaaring mahalin, dahil si Sam lamang ang lalaki para sa akin.’’

“Hindi ka mahal ni Sam, Julia. Dapat tanggapin mo ang katotohanan. Walang ibang babae para kay Sam kundi si Aya lamang. Nagsasayang ka lamang ng panahon, Julia.’’

“Anong sinasabi mo? Di ba, kayong dalawa ni Aya. Di ba yun ang iniutos ko sa’yo.  Di ba nakuha mo na siya? Di ba may picture pa kayo.”

“Hindi yun totoo, Julia.’’

“Anong hindi?”

“Hindi totoong napa-ibig ko si Aya. Sinabi ko lang yun para mapaniwala ka na tinupad ko ang usapan natin. Wala kaming relas­yon.’’

Napamulagat si Julia. Naisahan siya. Wala pa­lang katotohanan ang lahat. Nadenggoy siya ni George.

“Hayop ka! Hayop ka!”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYA

GEORGE

HAYUP

JULIA

KAY

KITA

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with