^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (378)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUMIGIL sa main en-trance ng condo ang ta-xing sinasakyan nina Sam at Aya. Bumaba sila.

Nakaparada naman  sa di-kalayuan ang taxi na sinasakyan ni  George.

“Dito na lang tayo Brod,” sabi ni George sa dray- ber. “Alam ko na kung saan nag­tatagpo ang aking asawa at kanyang kalaguyo,” may akmang dinudukot sa bulsa ng pants niya si George.

Nagsalita ang dray-ber, “Sir, baka baril ang dinudukot mo. Kaunting lamig lang Sir.’’

Napangiti si George. Ta­lagang napaniwala niya ang drayber na asawa niya ang sinusundang babae at kalaguyo ang lalaki. Ma-galing pala siyang artista.

“Hindi Brod. Cell phone ang dinudukot ko, kukunan ko ng picture ang mga walanghiya,” sabi niya at dinukot ang iPhone. Itinutok kina Sam at Aya na noon papasok na sa condo. Pinindot niya. Klik! Klik!

“Tayo na Brod. May ebidensiya na ako. Ihatid mo na lang uli ako sa mall na pinanggalingan natin. Kukunin ko ang kotse ko.’’

Tumalima ang drayber.

Pinagmasdan naman ni George ang mga kuha nina Sam at Aya sa iPhone. Umiiling-iling siya habang pinagmamasdan ang mga kuha. Napa-tsk-tsk siya. Napansin niya na napali-ngon ang drayber. Talagang paniwalang-paniwala ang drayber na asawa niya ang babaing sinundan.

“Brod, payong kapatid, huwag mong ilalagay sa kamay mo ang batas. Hayaan mo na lang sila. Hiwalayan mo na lang ang misis mo.  Makakakuha ka pa siguro ng mas maganda pa sa kanya…’’

“Salamat, Brod.’’

“Ilan ba ang anak n’yo Brod?”

“Wala. Kakakasal lang namin, Brod.’’

Napailing-iling ang drayber. Hindi siguro ma­kapaniwala na kakakasal lang ay nanlalaki na ang asawa niya.

“May bukas pa naman Brod. Maka-karma rin ang mga gumagawa ng masama. Magbabayad din sila sa dakong huli at masakit pa.’’

“Salamat, Brod. Mahu­say kang magpayo. Naliliwanagan ako.’’

“Salamat naman Brod at naliliwanagan ang isip mo.”

Nakarating sila sa mall. Inabutan ni George ng P1,000 ang drayber pero tu­manggi ito.

“Huwag na Brod. Basta sundin mo lang payo ko. Sana maliwanagan ang isip mo.’’

Kahit anong pilit ni George ay ayaw tangga­pin ang binabayad niya.

“Salamat. Ano bang name mo Brod?” tanong ni George.

“Jesus.’’ (Itutuloy)

ALAM

ANO

AYA

BROD

GEORGE

HINDI BROD

KLIK

LANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with