Halimuyak ni Aya (375)
“KAPAG nagawa mo na ang pinatatrabaho ko saka kita baÂbayaran at may bonus pa,†sabi ni Julia kay George.
“Baka puwedeng advance, he-he!â€
“Masaya ka.’’
“Sige na. Para naman lalo akong ganahan sa pagtatrabaho.’’
“Ang kulit mo naman George.’’
“Kahit hipo lang, Jules.’’
Nag-isip si Julia. Pagbigyan kaya niya ito. Hipo lang naman. Para nga ganahan sa pagtatrabaho.
Bigla niyang kinuha ang kanang palad ni George at ipinasok sa loob ng blusa niya. Ipinadama niya ang lusog ng “boobsie’’. Pagkaraan ay bigla rin niyang inalis. Tinakaw niya si George.
“Jules naman. Sandali pa,’’ sabi ni George na nabigla rin sa ginawa ni Julia.
“Tama na yun, George. Kapag natapos mo na ang pinatatrabaho, saka na ang malakihan.’’
“Binitin mo ako, Jules.’’
“Magtrabaho ka na para makuha mo ang gusto mo.’’
“Ibang klase ka Jules. Pero okey na rin. Kahit pa-ano nadama ko si “Boobsieâ€. Sariwang-sariwa pa yan, Jules.’’
“Siyempre naman, hindi ako pakawala no!’’
“Kaya nga type kita, Jules. Kung gusto mo, kaÂlimutan mo na si Arabo at tayo na lang dalawa.’’
“Sinong Arabo?’’
“Si Sam. Kaunti lang naman ang kaguwapuhan niya sa akin. May pera rin naman ako. Malakas na ang palaisdaan ko sa Pampanga at Bulacan.’’
“Puro ka kalokohan, George. Basta gawin mo ang pinatatrabaho ko makukuha mo ang gusto mo. Gusto ko, makuha na si Sam sa kinasusuklaman kong babae.’’
“Okey, okey. Sige gaÂgawin ko. Maghintay ka lang, Jules. Pero bilib taÂlaga ako sa’yo, lalo akong naatat.â€
Nagtawa si Julia —tawa na may landi.
KINABUKASAN, nag-abang muli si George kay Aya. Doon uli siya sa dating puwesto. NakaÂparada ang kotse niya sa di-kalayuan at tinatanaw si Aya.
Pero nakakahalata na pala si Aya. Nang sunduin siya ni Sam ng araw na iyon, sinabi niya ang napapansing sasakyan.
“Sam, ilang araw ko nang nakikita ang kotseng iyon na parang ako ang sinusubaybayan. Parang may masamang binabalak sa akin…â€
(Itutuloy)
- Latest