^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (357)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAMAMASA-MASA ang magagandang labi ni Julia. Naghihintay lang ng labing dadampi? Manipis at makipot ang mga labi ni Julia.Nang maghalikan sila ni Julia sa tinitirahan nitong bahay sa Sulucan St. noon, nalasap niya ang masarap na labi ni Julia. Si Julia ang unang babaing nahalikan niya nang matagal at may pagnanasa. Sino namang lalaki ang hindi magnanasa kay Julia gayung masyadong agresibo. Tingin niya kay Julia, hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Gagawin nito ang lahat para matikman ang nagugustuhan.

“Puwede ba Sam?’’ Tanong muli ni Julia at humakbang palapit sa kanya.

Hindi siya makasagot. Gusto rin niya. Gusto uli niyang matikman ang mga labi ni Julia. Gusto uli niyang maranasan ang pagiging agresibo ni Julia. At kung noon ay sanay na sanay na si Julia, tiyak na mas sanay na sanay ito ngayon. Ang ilang taon na hindi nila pagkikita ay tiyak na maraming naipong karanasan si Julia. Hindi siya naniniwala na walang ibang nakarelasyon si Julia sa loob ng ilang taon na hindi sila nagkita. Lalo pa’t ayon dito ay sa isang magandang recruitment agency ito nagtatrabaho. Account executive raw si Julia sa isang agency nagpapaalis ng mga worker sa ibang bansa at nagpoproseso rin ng papeles patungong Canada.

Lumapit si Julia. Yumakap kay Sam. Nadama niya ang mainit na katawan ni Julia. Napadait ang makinis na katawan ni Julia. Malambot na parang bulak ang makinis na katawan ni Julia. Sino ang hindi matutukso kay Julia? Lalaki siya. Nasa kainitan at nasa kasulakan ang dugo. Madaling maanod sa agos ng tukso.

Inilapit ni Julia ang mukha sa kanyang mukha. Nakita ni Sam nang malapitan ang mamasa-masang mga labi ni Julia. Manipis. Mapula dahil sa manipis na pahid ng lipstick. Pati ang mga labi ni Julia ay matindi ang pang-aakit.

Inilapat ni Julia ang mga labi sa labi ni Sam. Iyon na nga ang inii-madyin ni Sam. Malambot, manipis, mainit na labi ni Julia.

Mabango ang hini­nga ni Julia. Parang hininga ng sanggol.

Tao lamang siya. Iyon ang sinasabi ni Sam sa sarili. Lahat nang tao ay natutukso. Lahat ay nahuhulog sa kumunoy ng kasalanan. Hindi siya ang may gusto nito. Natatangay siya ni Julia. Hindi na niya kayang pigilin ang gustong mangyari ni Julia.

Sanay na sanay si Julia. Kung noon ay eksperto na sa pakikipaghalikan, mas lalo ngayon. At pati ang kamay ay abala na rin. Naghahanap ang malikot na kamay ni Julia. Hindi niya ka-yang pigilin ang likot ni Julia.

(Itutuloy)

vuukle comment

IYON

JULIA

LABI

LAHAT

MALAMBOT

MANIPIS

NIYA

SI JULIA

SINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with