^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (291)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAWAWA naman pala si Dra. Del Cruz. Iniwan siya ni Dr. Paolo dahil sa babae...’’

‘‘Talagang kawawa, Sam. Saan ka naman nakakita na ubod ng bait na babae e iniwan ng asawa para sumama sa isang batambatang babae.’’

“Sa tingin ko, talagang mabait si Doktora. Sa lahat ng prop namin si Doktora ang pinaka-paborito.’’

‘‘Wala nga akong masasabi sa kanya, Sam. Napakabait na boss.’’

‘‘E yung si Doc Paolo?’’

‘‘Mabait din siya. Nagulat na nga lang ako nang malaman na mayroon palang babae. Kasi sa tipo ni Doc, hindi mo aakalain na malikot sa aparato. Kagalang-galang ang itsura niya. Guwapo. Matangkad. Kung makikita mo siya para bang walang alam sa kamunduhan...’’

Napangiti si Sam. Talagang nakuha na niya ang loob ni Jaime dahil wala nang pigil sa pagsasalita. ‘‘Ikakanta’’ na yata lahat ang tungkol kay Doc Paolo at Dra. Sophia.

‘‘Sam, huwag mo na lang ikukuwento sa iba itong pinag-usapan natin. Kakahiya kay Doktora. Naikuwento ko lang ito sa’yo dahil alam ko, hindi ka tulad ng iba. At saka sa tagal nang pagtambay ko rito e  ikaw lang ang nagtityagang kumausap sa akin.’’

‘‘Hindi ako magkukuwento sa iba, Jaime.’’

“Kasi’y baka kumalat dito. E ako lang naman ang tauhan ni Doktora na narito kaya kapag may nakaalam, tiyak ako ang paghihinalaan.’’

‘‘Naunawaaan kita, Jaime. Makaaasa ka.’’

“Salamat, Sam. Basta, kapag doktor ka na, ikaw na ang gumamot sa akin ha.’’

“Oo naman. Kahit hindi mo sabihin, talagang gagamutin kita.’’

“At saka papayuhan na rin kita sakali at doktor ka na.’’

‘‘Anong payo, Jaime?’’

“Huwag kang mambababae. At lalong huwag med rep ang bababaehin mo, tulad ni Doc Paolo. Huwag nang humanap ng iba kapag may asawa na.’’

“Ah oo tama ka, Jaime.’’

“May siyota ka na ba  Sam? Sigurado ako, meron na ano? Yang guwapo mong yan, e tiyak may siyota na.’’

“Wala pa Jaime. Pag-aaral muna ang inaatupag ko.’’

“Oww? Maniwala akong wala kang siyota! Mas guwapo ka pa kaysa sa mga artista ngayon.’’

‘‘Wala pa nga.’’

Natahimik si Jaime. Napasulyap ito sa relo. Naisip ni Sam na baka malapit nang matapos ang klase ni Dra. Sophia at pabalik na sa parking area.

Sinamantala ni Sam ang pagkakataon para madagdagan pa ang nalalaman sa paghihiwalay ni Doktora at Doc Paolo.

‘‘Ano naman kaya ang dahilan at nagkagusto pa si Doc sa med rep e napakabait at maganda naman si Doktora.

Napabuntunghininga si Jaime. Parang nag-isip ito kung sasagutin si Sam. Pero sinabi rin.

“Ang pagkaalam ko ay dahil wala silang anak. Kasi’y may problema yata si Doktora…’’

Na-shock na naman si Sam. Ang pagpapakilala noon ni Doc Paolo ay may anak sila ng asawang dokto­ra. Iyon din ang sabi nito kay Aya.

Maya-maya pa, nag-ring ang CP ni Jaime. Sinagot nito. “Opo Doktora. Sige po. Ngayon na po.’’

Si Doktora ang tumawag.

“May ipinakukuha sa     akin si Doktora sa clinic niya. Sige Sam, ‘yung pinag-usapan natin ha?’’ sabi at umalis na si Jaime. (Itutuloy)

 

vuukle comment

DEL CRUZ

DOC

DOC PAOLO

DOKTORA

DRA

JAIME

KASI

SAM

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with