^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (282)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LUMABAS ng unit ni   Sam si Aya. Hindi ito ti-ningnan ni Sam. Patuloy siya sa pagbabasa pero sa sulok ng kanyang mga mata, alam niyang umalis na si Aya at tila  galit din.

Pinanindigan ni Sam ang ipinakitang inis kay Aya. Nagluto siya ng kakainin para sa hapunan. Para sa dalawang tao pa rin ang niluto niya. Nakasanayan na nila ni Aya na kapag nakatapos siyang magluto ay tatawagin na niya ito para kumain sila nang sabay o kaya ay dadalhin niya ang pagkain sa unit ni Aya at doon sila kakain.

Pero ngayon ay hindi niya tinawag o dinalhan ng pagkain si Aya. Naiinis talaga siya. Nasira ang araw niya nang makitang bisita ni Aya si TJ. Lalo pang nadagdagan ang inis niya nang makitang masayang nag-uusap ang dalawa kanina. Parang aliw na aliw si Aya sa pakikipag-usap kay TJ. Iyon ang dahilan kaya niya isinalya ang pinto.

Pagkatapos kumain ay nagbalik sa pag-aaral si Sam. Marami siyang pag-aaralan. Kailangang ma-maintain niya ang grades para mapasama siya sa honor roll. Kailangang mahigitan pa niya ang mga nakuhang grades.

Pero habang nagbabasa ay si Aya ang naiisip niya. Kahit na anong gawin niyang pagwaksi sa nangyari kanina, hindi pa rin maalis ang scene na naabutan niyang masa-yang nagkukuwentuhan sina Aya at TJ. Naaasar siya. Parang naapi siya. Paano kaya nalaman ng TJ na iyon ang tirahan ni Aya?

Pero sa kabila ng pagkainis, nag-aalala rin si Sam. Baka gutom na si Aya. Nasanay itong kumain ng alas siyete ng gabi. Baka humihilab na ang tiyan. Baka magkasakit si Aya!

Tumayo si Sam. Lumabas ng unit niya at tinungo ang unit ni Aya. Sarado ang pinto. Pero walang problema dahil may susi siya. Binigyan siya ng duplicate ni Aya.

Binuksan niya. Tahimik sa loob.

“Aya!” Tawag niya. Wa­lang sagot. Saan kaya nagpunta? Inulit niya ang pagtawag. Wala ring sagot.

(Itutuloy)

AYA

BINIGYAN

BINUKSAN

INULIT

ITUTULOY

KAILANGANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->