^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (188)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI na nakapagpigil pa si Sam. Mapapalampas niya ang pagbintangan na kumuha ng pang-shave pero ang laitin na nakikitira lang sa bahay ay parang napakalaking paghamak na sa kanya. Para siyang pulubi na nakikitira.

Sumugod siya. Bahala na kung ano ang mangyari!

Natadyakan niya sa tagiliran si Tito Janno pero hindi ininda. Hawak pa rin nito ang bote ng beer at ipapalo kay Sam na noon ay susugod uli. Parang sumisingasing na toro si Sam. Iyon ang unang pagkakataon na grabe ang kanyang galit. Ganoon pala siya kung magalit. Wala nang pinangingilagan.

Pero nakahanda na si Tito Janno sa muling pagsugod ni Sam.

“Sige, subukan mo at babasagin ko sa mukha mo ang bote na ito!” sabi ni Janno.

Pero hindi na natatakot si Sam. Sumugod siya at nasuntok si Tito Janno sa pisngi. Hindi nakailag dahil na rin sa kalasingan.

“Putang ina mo ka!”

Sinugod ni Tito Janno si Sam pero dahil lasing natumba at tumama ang mukha sa suwelo. Nabitawan ang bote ng beer. Mabilis na di­nampot ni Sam. Galit ang ekspresyon ng mukha at muk­hang gusto uling bigwa­san si Tito Janno.

Noon dumating si Mama Brenda. Kasama si Aya. Umiiyak si Aya.

“Sam!”

Hindi naituloy ni Sam ang anumang balak kay Tito Janno dahil sa pagtawag.

Si Tito Janno naman ang bumangon at sumugod. Gustong iganti ang suntok at sipa na natamo kay Sam.

Pero nahawakan siya ni Mama Brenda sa braso. Niyakap. Napigilan ang pagganti kay Sam.

“Palayasin mo na ang hayup na ‘yan. Babarilin ko yan!” Sabi ni Tito Janno. Namamaga ang pisngi nito at may pasa sa noo. .

“Tama na, Janno, please.”

“Anong tama na? Pala­yasin mo na yan ngayon  din. Babarilin ko ‘yan.”

“Janno naman.”

Nagwala na si Janno. Nag­pilit makawala sa pagkakayakap ni Brenda. Nang makawala ay sinampal si Brenda. Tulig si Brenda.

“Mama! Mama!” Sigaw ni Aya. Dinaluhan ang ina. Si Sam ay nanatiling nakatayo. Kung may gagawin sa kanya si Janno, handa siya.

“Hindi mo siya palalayasin, Brenda?”  Sigaw ni Janno na halos mapuno ang kabahayan. “Papatayin ko ‘yan!”

Pero bago nakapagsa­lita si Brenda ay si Sam na ang nagkusang umalis. Para matigil na ang tensiyon. Kung hindi siya aalis, maaaring mapatay siya o mapatay niya si Janno. Lumabas siya ng gate. Bahala na kung saan siya makarating.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

BRENDA

JANNO

MAMA BRENDA

PERO

SAM

SIYA

TITO

TITO JANNO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with