^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (182)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAHIGA si Sam. Pero hindi makatulog. Naiisip niya ang mga pagsisinungaling kay Aya. Sinabi niyang maraming classmates ang dumating sa lamay pero ang totoo ay silang dalawa lang ni Julia ang naroon. Sinabi rin niyang nabusog siya sa kinain sa lamay gayung ang totoo ay sa salad na handa ni Julia siya nabusog. Nakokonsensiya siya. Napakabait sa kanya ni Aya kaya siya nakokonsensiya. At saka lahat nang lihim ni  Aya ay sinasabi sa kanya. Bakit siya ay hindi rin maging ganoon kay Aya.

Umayos sa pagkakahiga si Sam. Kasi naman, may kaugnayan kay Julia kaya siya naglilihim. Alam niya na kapwa inis sa isa’t isa ang dalawa. Walang ipinagkaiba sa mga lalaki na kapag nagkatitigan ay maaaring magsapakan.

Kung magkukuwento siya kay Aya ukol kay Julia, baka hindi nito magustuhan at saka ikukuwento rin ba niya na nag-inuman sila ni Julia. At ikukuwento ba rin niya na naghalikan sila ni Julia? Parang gumawa siya ng giyera kapag pati iyon ay kinuwento niya. Sarilinin na lamang niya ang nangyari sa kanila ni Julia.

Inimadyin naman niya ang paghahalikan nila ni Julia­ kanina. Ang sarap talaga ng labi ni Julia. Malambot at mamasa-masa. Amoy alak pero mabango ang hi­ninga. Kinalikaw pa ni Julia ang dila niya. Pilya talaga si Julia. Probinsiyana pero marami nang alam. Ang alam niya walang boyfriend sa probinsiya si Julia. Maski noong high school sila, walang siyang nakitang karelasyon nito. Siya nga ang gusto nito. Ang pagpapa-tutor nito sa kanya ay dahilan lang siguro para sila magkalapit.

Naalala niya ang sinabi kanina ni Julia na magkita raw uli sila. Atat na talaga. Pero siguro kung hindi dumating ang ate nito kanina, baka higit pa sa halikan ang nangyari. Baka, nahipo niya ang malulusog na suso ni Julia­. Kanina ay idinikit nang husto ni Julia ang mga suso sa braso niya.

Nasa ganoong pag-iimadyin si Sam nang ma­karinig siya ng katok sa pinto.

Balikwas siya. Binuksan niya ang pinto. Si Aya!

“O, Aya, bakit?”

“Hindi ako makatulog Sam.”

Pumasok si Aya sa kuwarto. Isinara ni Sam ang pinto.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ALAM

AMOY

AYA

JULIA

NIYA

PERO

SI AYA

SINABI

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with