^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (177)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASA bakasyon sina   Ate,” sabi ni Julia. “Maupo ka Sam.”

“Huwag na. Aalis na rin ako, Julia.”

“Mamaya-maya naman, Sam. Kararating lang natin e aalis ka na.”

“Gabi na. Marami pa akong ime-memorize.’’

“Mamaya-maya ka na umalis. Wala akong kasama.”

Napigilan si Sam. Pag­bibigyan niya si Julia. Kawawa naman at nag-iisa. Mga isang oras siyang mag-i-stay at saka siya magpapaalam. Sapat na siguro ang oras na iyon. Tiningnan niya ang relo: 7:30 na. Mga 8:30 siya aalis.

“Teka at ikukuha kita nang mamemeryenda, Sam.”

“Huwag na.”

“Ikaw talaga, lahat nang ialok ko tinatanggihan mo,” sabi ni Julia at nagtungo sa kusina. Binuksan ang ref at kinuha ang chicken salad na nasa tray. Naglagay sa plato. Kinuha ang softdrinks na nasa lata. Dinala iyon kay Sam.

“Kain ka muna, Sam. Alam ko nagugutom ka na.’’

“Hindi pa naman ako nagugutom.’’

“Huwag mo akong lokohin, ayan at namumutla ka na. Kain na. Gusto mo saluhan kita?”

Kinuha ni Sam ang plato at kumain. Masarap ang salad. Gutom nga siya.

“Ikaw, kain ka rin,” alok niya kay Julia.

“Panonoorin na lang kita at busog na ako.”

“Puro ka biro.”

“Talaga naman. Nabubusog ako kapag nakikita kita.’’

Patuloy sa pagkain si Sam.

“Kaya lang, balewala ako. Mayroon ka kasing nakikitang ibang babae diyan.”

Patuloy sa pagkutsara ng salad si Sam. Hindi niya pinapansin si Julia.

“Pero mapapansin mo  rin siguro ako. Nararamdaman ko, mapapansin mo rin ako,” sabi ni Julia.

“Masarap itong chicken salad mo. Sinong gumawa nito, Julia?”

“Siyempre ako.”

“Masarap talaga.”

“Dapat nilagyan ko ng gayuma ko ‘yan para mapansin ako ng isang tao d’yan.”

“Totoo ba yung gayuma?”

“Oo.”

“Kuwentong-barbero lang yun.’’

“Kung ayaw mong ma­ niwala e di huwag.” Bi­nuksan ni Sam ang softdrink. Tinungga.

“Gusto mo ng baso?”

“Huwag na.”

Tumayo si Julia.

“Sandali lang Sam ha.”

Pumasok si Julia sa silid. Nang lumabas, naka-shorts. Pekpek shorts. Naka-shirt na halatang wa-lang bra. Bakat ang dibdib.

Napalunok si Sam nang makita si Julia.

“Pag-8:30 aalis na ako, Julia.”

“Napaka-arte naman nito.”

Hindi mapakali si Sam.

Tumabi sa kanya si Julia. Nagpabango pa pala. Nalanghap niya. Babaing-babae ang samyo.

Sa pagtabi ni Julia sa kanya ay nasanggi ni Sam ang malulusog na suso ng babae. Iniiwas niya. Nasanggi na rin niya ang suso ni Julia sa dyip. Aywan niya kung sinadya talaga ni Julia na idikit ang malulusog na suso. Hinahamon yata siya ni Julia. Baka tinitesting siya. Hindi naman siya bakla.

Hinawakan ni Julia ang kamay niya. Mainit ang palad ni Julia. Naramda­man ni Sam na may kur-yenteng nanunulay sa kan­yang katawan. Ano ba itong nararamdaman niya? Nang tingnan niya si Julia, nakabuka ang labi nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

HUWAG

IKAW

JULIA

KINUHA

MAMAYA

MASARAP

NIYA

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with