Halimuyak ni Aya (148)
“HINDI maÂtatapos ang problemang ‘yan hangga’t magkasama sina Mama Brenda at Tito Janno,†sagot ni Sam. NaglaÂlakad sila ni Aya patungo sa sakaÂyan ng dyipniÂ. Isang sakay ang gagawin nila para makarating sa school nila.
“Kaso nga, ayaw ni Mama di ba,’’ sabi ni Aya.
“Yan nga ang problema.’’
“Natutuliro na ako, Sam.’’
“Mahirap namang sabihin natin kay Mama Brenda na layasan na niya si Tito Janno.’’
“Di ba ilang beses ko nang ginawa. Umiyak lang siya nang umiyak at paulit-ulit na sinabi na hindi niya kayang iwan ang manyakis.’’
“Mayroon nga pala akong sasabihin. Tungkol ito kay Tito Janno. Dapat sinabi ko kay Mama Brenda kahapon pero pinigil ko ang sarili ko.â€
Napamulagat si Aya.
“Ano yun?â€
Malapit na sila sa sakayan ng dyipni. May nag-aabang ng dyipni roon.
“Pag nasa dyipni na tayo saka ko sasabihin.â€
Sumakay sila.
“Anong sasabihin mo?â€
“Kinausap ako ni Tito Janno. Natatandaan mo na nakita niya tayo nang dumating noong araw na manood tayo ng sine?’’
Tumango si Aya.
Nagpatuloy si Sam. “Sabi sa akin, ano raw ang ginawa natin sa loob ng sinehan? Pinipilit niya ako kung mayroon tayong ginawa sa loob. Sabi ko nanood lang tayo dahil requirements mo sa isang subject. Pero ini-insist niya na baka mayroon tayong ginawa.’’
“Hayup talaga ano. Akala siguro e manyakis ka rin na kagaya niya.’’
“Tapos di ba sabi ni Mama Brenda, biglang uminit ang ulo ni Tito Janno at binugbog siya. Hindi kaya may kaugnayan sa panonood natin ng sine kaya biglang uminit ang ulo.â€
“Bakit naman iinit ang ulo ng manyakis na ‘yun?â€
“Baka nagseselos sa akin dahil magkasama nga tayong nanood.â€
“Sira na siguro ang ulo.â€
Sumapit ang dyip sa tapat ng school ni Sam. Bumaba sila.
“Mamaya, sunduin mo uli ako. Dun sa McDo uli tayo,†sabi ni Aya.
“Sige.’’
Naghiwalay na sila.
Pagkatapos ng klase, nagkita nga sila sa McDo. Nagulat si Sam sa sinabi ni Aya.
“Ano kaya hanapin ko ang Papa ko…’’
(Itutuloy)
- Latest
















