^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (136)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TUWANG-TUWA rin si Mama Brenda nang malamang nakapasa sa college entrance si Sam. Parang tunay na anak na niyakap. Nakatingin naman si Aya na tuwang-tuwa rin sa pagkakapasa ni Sam.

‘‘Ang husay mo talaga, Sam. Mahirap makapasa sa unibersidad na iyon pero kinaya mo. Hanga talaga ako sa’yo. Tiyak na matutuwa sina Tatay Ado at Nanay Cion kapag nalaman na nakapasa ka sa science course. Hindi magtatagal at magkakaroon sila ng apong doktor.’’

“Matagal pa yun, Mama Brenda. Apat na taon muna ang bubunuin ko sa college of science tapos saka lang ako mag-eenter sa college of medicine. Iyon ay kung papasa ako.’’

“Siyempre papasa ka. Ang talino mo yata, di ba Aya?’’

“Oo naman. Masyadong humble lang ang lalaking ‘yan Mama. Kaya nga gustung-gusto kong kasama, e he-he-he!’’

“Natutuwa nga ako at magkasundo kayo. E di mayroon nang magtuturo sa’yo Aya.’’

‘‘Kaya nga natutuwa ako at narito na siya sa atin. Hindi na ako mahihirapan dahil may nagtuturo sa akin. Buti na lang hindi gaanong may math sa mascom.’’

“Nahihirapan ka pa rin sa Math, Aya?’’ Tanong ni Sam.

“Oo. Hindi talaga ako para sa numbers.’’

“Sana nag-nurse ka para pareho tayong nasa ospital, he-he!”

“Ay hindi ako puwedeng nurse, di ako matiyagang mag-alaga ng maysakit. Hindi ko linya. Gusto ko talaga related sa mass communications.’’

“Baka maging reporter ka sa TV ah?’’”

“Wish ko lang.’’

Nang may sabihin si Mama Brenda kay Sam.

“Ipanatag mo ang kalooban mo sa pagtira rito, Sam. Halata ko, nangangamba ka pa rin kung welcome ka o hindi kay Janno. Payag na payag siya na dito ka tumira. Kaya, huwag ka nang mag-isip tungkol doon.’’

“Opo Mama Brenda.

Nakatingin lang si Aya.

MULA noon ay naging bagong miyembro ng bahay na iyon si Sam. Iyon ay sa kabila na hindi pa nagbibigay ng pahintulot si Janno.

Minsan, nag-uusap sila ni Aya sa salas, napansin nila na nakatingin si Janno sa kanila.

‘‘Nakatingin sa atin si manyakis,’’ sabi ni Aya.

‘‘Huwag mo na lang pansinin.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AYA

IYON

JANNO

KAYA

MAMA BRENDA

NAKATINGIN

NANAY CION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with