Halimuyak ni Aya (127)
NAPANSIN ni Sam ang la-laking dumating. Nakatingin sa kanila. Iyon pala si Tito Janno. Guwapo. May bi-gote. Katamtaman ang taas at laki ng katawan.
Nakita ni Mama Brenda si Tito Janno. Tinawag.
“Love halika, may ipakikilala ako sa’yo,’’ sabi ni Mama Brenda.
Lumapit si Tito Janno. Hinawakan ni Mama Brenda sa braso.
“Love siya si Sam. Remember yung kinukuwento ko sa’yong bata na matali-no at guwapo?’’
“Ah oo. Natatandaan ko na,†sabi at kinamayan si Sam. “Kumusta ka Sam. Guwapo ka nga pala. Marami ka sigurong mabibiktima…†sabing nakangiti.
“Uy bata pa ‘yan. Wala pa yang kamuwang-muwang sa mundo.’’
“Bata pa ba ito e mas matangkad pa sa akin.’’
“Bata pa yan. Magka-college pa lang. Kaya nga narito e mag-eexam sa college of science. Magdodoktor siya.’’
“Hmmm, matalino nga.’’
“Dito siya titira, Love, puwede?â€
Napalunok muna si Tito Janno bago nagsalita.
“Oo bah. Malaki naman itong bahay natin.’’
Saka lamang nagkalakas ng loob si Sam na magsalita. Mukhang okey naman si Tito Janno.
“Salamat po, Tito Janno.’’
“Oks lang. Kapag nasa college ka na marami kang magiging classmate na babae. Tiyak magsasawa ka. Baka ikaw pa ang lapitan, he-he.â€
“Uy huwag mong turuan at baka hindi makatapos sa pag-aaral ‘yan.’’
“E kung siya ba ang nilalapitan ng tsikas, anong magagawa niya. Ako ngang karaniwan lang kapogihan e nilalapitan e ito pang mukhang Saudi…’’
“Iba si Sam kaysa sa iyo. Lahat ay sinasagpang mo…’’ sabi ni Mama Brenda.
Ngumiti lang si Tito Janno sa sinabi ni Mama Brenda. Pagkatapos ay tumingin kay Sam at saka nilipat ang tingin kay Aya. Napansin ni Sam na hindi tinitingnan ni Aya si Tito Janno.
“Umiinom ka ba, Sam? Marami akong alak diyan. Kahit maligo ka.’’
“Uy hindi yan umiinom, Janno! Ano ka ba?â€
“Joke lang. Sige iwan ko na kayo. May concert pa ako eh.’’
Umalis si Tito Janno.
Nakaismid si Aya.
“Sira na yata ang ulo nun,†sabi nito.
Tiningnan ni Mama Bren da si Aya.
“Itutulad ka pa sa kanya na babaero at lasinggero,†sabi uli ni Aya.
Nakatingin pa rin si Mama Brenda. Parang gustong patigilin sa pagsasalita si Aya. Pero hindi mapigilan si Aya.
“Tapos umbagerong numero uno. Hindi ba Mama?â€
(Itutuloy)
- Latest