^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASAN ang magulang niya?’’ tanong ni Julia na ang tinutukoy ay si Aya.

“Nasa Maynila.’’

‘‘Anong work ng father niya?’’ tanong pa uli na pa­rang iniimbestihan na si Sam ukol kay Aya.

“Doctor.’’

Napatangu-tango si Julia. Tama naman ang sinabi ni Sam na doktor ang father ni Aya. Iyon nga lang, hindi ito kilala.

‘‘E ang mother niya anong work?’’

“Housewife.’’

“Di ba kung doktor ang la-laki, doktor din ang babae?’’

“Saan mo naman nakuha ang kaisipang ‘yan?’’

‘‘Basta, lahat nang alam kong doktor dito sa bayan natin, ang asawa nila doktor din.’’

‘‘Hindi lahat.’’

Umirap si Julia.

‘‘E bakit nag-iisa siyang dumating nasaan ang father at mother n’ya?’’ tanong muli na tila hindi na mauubu-     san ng tanong ukol kay Aya.

Pero mabilis ding maka­imbento ng sagot si Sam.

“Busy ang father niya. Ang mama naman niya ay may project daw na inaasikaso.’’

“Mabuti alam niya ang pagpunta rito. Di ba ang layo rin nitong bayan natin sa Maynila.’’

“Maraming beses na siyang nakapunta rito. Kabisado na niya ito.’’

“Owww.’’

“Bakit ayaw mong maniwala?’’

‘‘Wala lang. Kasi parang hindi niya kayang mag-isa.’’

Napangiti na lang si Sam. Parang non-sense na ang sinasabi ni Julia. Halata namang naiinis lang ito kay Aya kaya tanong nang tanong ukol dito. Siguro’y dahil nasira ang plano nang araw na dumating si Aya. Hindi nito nasolo si Sam.

May itatanong pa sana si Julia nang biglang mag-bell.

“Halika na, Julia,’’ yaya ni Sam.

Nakasimangot itong sumunod kay Sam.

MADALAS pa ring nagtutungo si Julia kung Sabado at Linggo kina Sam para magpaturo ng lesson. Pero sa tingin nina Tatay Ado, may malalim na dahilan kung bakit laging naroon si Julia.

“Palagay ko, malaki ang pagkagusto ni Julia kay Sam. Lagi kasing narito,’’ sabi ni Tatay Ado habang naka­tingin kina Sam at Julia na magkatabi sa sopa.

‘‘Nagpapaturo kasi siya. Hangang-hanga sa apo mo,’’ sabi ni Nanay Cion.

‘‘Bakit hindi siya sa tea­cher magtanong?’’

‘‘Siyempre gustong kausap ni Julia ay yung kasing edad niya.’’

‘‘Ang inaalala ko ay baka biglang dumating si Aya mula sa Maynila at abutan silang dalawa.’’

Napatawa si Nanay Cion.

‘‘E ano naman kung abutan. Para namang magkasintahan na sila.’’

“Nararamdaman ko kasi na mahal ni Aya si Sam. Nakikita ko sa kilos niya...’’

(Itutuloy)

AYA

BAKIT

JULIA

MAYNILA

NANAY CION

NASA MAYNILA

NIYA

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with