^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (103)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MUKHANG may gusto sa’yo si Julia ano Sam?’’ Inulit muli ni Tatay Ado ang tanong. Gustong malaman ang saloobin ni Sam. Nagbibiro ang tinig ng matanda.

“Nagpapaturo lang sa akin yun, Lolo. Mabiro lang yun. Lukaret.’’

Nagtawa si Tatay Ado.

‘‘Pero habang tinuturuan mo e nakadikit ang mukha sa mukha mo. Para kang ha­halikan, ha-ha-ha!’’

Hindi nag-react si Sam. Patuloy sa ginagawa sa laptop. Parang balewala sa kan­ya ang sinasabi ng lolo.

‘‘Pero maboka ano. La-ging nagbibiro...’’

‘‘Lukaret nga ang tawag sa kanya ng mga classmate namin.’’

‘‘Pero pinagmasdan ko, talagang walang kapantay ang beauty ni Aya….’’ Sabi pa ni Tatay Ado na tinapik pa ang braso ng apo. Hindi naman natinag si Sam at nakatuon sa nire-research.

‘‘Sa tingin ko napaka-pino ng pagkilos ni Aya. Pati sa pagsasalita ay napakatipid at ganundin sa pagngiti,’’ sabi pa ni Tatay Ado.

‘‘Iba nga si Aya, Lolo.’’

‘‘E di mas matimbang si Aya sa’yo? Mas gusto mo si Aya kung ganoon?’’

Nakasimangot si Sam nang tumingin sa lolo. Pero hindi naman galit.

‘‘Dyok lang, apo ko. Sige ituloy mo na ang pagre-research mo. Paghusayan mo pa ha? Siyanga pala, wala bang balita kung kailan pupunta rito sina Aya at Mama Brend mo?’’

“Sa huling message sa akin ni Aya wala pa raw sinasabi si Mama Brenda. Pero kapag daw hindi puwede si Mama Brenda, mag-isa raw siyang pupunta rito...’’

‘‘Aba baka mahirapan siya    sa biyahe. Baka maligaw siya.’’

‘‘Kaya raw niya, Lolo. Kabisado raw niya.’’

“Sabihin mo huwag muna siyang mag-isa. Mabuting kasama ang mama niya patungo rito.’’

‘‘Paghindi pa raw pumayag ang mama niya, baka ituloy niya, Lolo.’’

Napailing-iling si Tatay Ado. Iba talaga nga naman kapag nagpasya ang mga kabataan.

“Sabagay, mayroon ngang mas bata pa sa kanya ay nag­bibiyahe na. Siguro naman kaya na nga niya. Kapag natuloy siya e sabihin mo at susunduin ko sa bus terminal sa bayan. Mabuti na yung may sasalubong at baka mahirapan naman sa pagkuha ng traysikel.’’

“Opo Lolo.’’

 

ISANG umaga ng Linggo, abala si Sam sa pag-aaral ng lesson nang biglang dumating si Julia. May dalang libro at mga notebook. Si Tatay Ado ang nagpapasok kay Julia. Wala si Nanay Cion. Nasa simbahan.

“Pasok ka, Julia. Nasa salas si Sam.’’

“Magandang umaga po    lolo. Magpapaturo po uli ako kay Sam sa Science subject. Hindi ko na naman po alam     ang tinuro ng teacher namin...’’

“Sige, pasok ka na lang…’’

Pumasok si Julia. Sinundan ng tingin ni Tatay Ado si Julia.

Isang oras ang nakalipas, may narinig na tawag si Tatay Ado mula sa labas ng bahay. Boses babae.

Nang tingnan niya, si Aya ang tumatawag! Hindi malaman ni Tatay ang gagawin. Bakit hindi man lang nagpasabi na darating si Aya?

(Itutuloy)

ADO

AYA

JULIA

LOLO

MAMA BRENDA

PERO

TATAY

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with