Halimuyak ni Aya (92)
TUWANG-TUWA rin sina Tatay Ado at Nanay Cion sa ibinalita ni Sam na darating sina Aya.
“Sigurado ba Sam?†Tanong ni Tatay Ado.
“Opo Lolo. Katatawag lang po ni Aya.â€
“Bukas ba talaga darating?†Tanong ni Nanay Cion.
“Opo, Lola. Sigurado raw.â€
“Tamang-tama ang dating nila. Nagha-harvest ako ng mangga at pakwan. Magsasawa sila sa prutas. Pati yung mga alaga kong tilapia ay matitikman na rin nila. Mahilig sa tilapia si Brenda. Ginataang tilapia na may talbos ng kamote. Ewan ko lang kung ano ang gusto ni Aya. Naku, baka hamburger ang gusÂto niyon. Sana tinanong mo, Sam kung ano ang gusto ni Aya.â€
“Tatawagan ko Lolo mamaya. Mag-aaral lang ako ng lesson ko.’’
“O e bakit ka mag-aaral e wala namang pasok bukas dahil Sabado.’’
“E siyempre po marami kaming pagkukuwentuhan ni Aya. Baka hindi na ako makapag-aral kaya mag-aaral na ako ngayong gabi.’’
“Ah sige. Oo nga naman. Pero huwag mong kalimutang tawagan si Aya para nakakapaghanda naman ako ng ipa kakain sa kanya. NaÂkakahiya naman kung pakakainin ko siya tilapia at hito. Tiyak na sosyal si Aya...â€
“Baka po gusto niya ay prito o inihaw na manok?â€
“Sigurado ka? Kung yun ang gusto niya ay huhuli na ako ng mga dumalagang native na manok. Kakatayin ko na at ibababad ko sa spices para masarap ihawin…â€
“Parang nabanggit po niya ay manok ang paborito niya. Pero tatawagan ko rin po mamaya…’’
“Sige.â€
“E di lilinisin ko na ang kuwarto ni Aya,†sabi ni Nanay Cion.
“Ako na po Lola. Pu punasan ko po ang sahig at baka may alikaÂbok. Iispreyan ko rin ng pabango na katulad sa kuwarto ko.’’
Napangiti ang mag-asawa.
KINABUKASAN, paÂsado alas otso, may tumigil na sasakyan sa tapat. Nagmamadali si Sam sa pagdungaw sa bintana. Nang makita niyang sasakyan nina Aya, nagmamadali siyang lumabas para salubungin.
Nang lumabas si Aya sa sasakyan, hindi siya mÂakapaniwala sa nakita.
Napakaganda ni Aya! (Itutuloy)
- Latest