^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (64)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MASKI si Nanay Cion ay hindi nakakibo dahil sa mga sinabi ni Sam kay Brenda. Nagtatampo si Sam dahil hindi isinama ni Brenda si Aya at ang mahalaga, may pag-aalala ito sa kalagayan ng kababata. Baka raw kung ano ang mangyari kay Aya habang narito si Brenda.

“Salamat sa pag-aalala mo Sam. Lalo tuloy kitang naging love. Hayaan mo at hindi ko na iiwan si Aya. Huwag ka nang magtampo sa akin. Kiss mo na ako,” sabi ni Brenda.

Saka lamang kumilos si Sam at hinalikan sa pisngi si Brenda.

“Ang bait talaga ng anak ko. Hayaan mo at pagbalik namin ni Aya, marami kaming dalang laruan para sa iyo. Papakyawin namin ang lahat nang laruan sa Toy Kingdom.’’

Nangislap ang mga mata ni Sam pero mayroong sinabi na lalong nagpahanga kay Brenda at Nanay Cion.

“Kahit po wala ka-yong dalang laruan basta kasama lang si Aya.”

Tuwang-tuwa si Bren­ da. Kahit na ba-tambata pa si Sam, naroon na ang pagpapahalaga kay Aya.

“Sige pangako. Ka­sama ko siya sa pagbalik ko.”

“Puwede po ba magtagal siya rito?”

“E paano naman ako sa Maynila kung narito siya. Wala akong kasama roon. E kung ikaw kaya ang isama namin, Sam?”

“Baka po malungkot si Lola at si Lolo.”

“Ay oo nga ano. Kawawa naman si Nanay at Tatay. Pero gusto mong makara-ting sa Maynila?”

“Opo.”

“Sige pag may-   ro­on akong pana-hon, ipapasyal kita sa Maynila.”

Paalis na si Brenda nang dumating naman si Tatay Ado. Sinabi ni Brenda ang tungkol sa anak ni Lina. Baka maaa-ring hanapin ni Tatay Ado kung saan nakatira. Nangako naman si Tatay Ado na hahanapin niya ang bata.

Nagpaalam na si Brenda. Muling hinalikan si Sam.

“Babay Sam. Huwag nang magtatampo ha?”

“Opo Mommy Bren­ da.”

Lumabas na ito ng bahay. Nakatanaw sina Nanay Cion, Tatay Ado at Sam. Gustong umiyak ni Sam nang papalayo na si Brenda. Hindi niya alam kung kailan babalik si Mommy Brenda kasama si Aya. Baka maghihintay na naman siya nang matagal.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

BABAY SAM

BRENDA

HAYAAN

HUWAG

MAYNILA

NANAY CION

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with