^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (60)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA isang punerarya sa bayan inilagak ang katawan ni Lina. Mga kamag-anak daw ang nagtulung-tulong para mabigyan ito nang maayos na burol. Ang anak ni Lina ay kinupkop ng isang pinsang babae. Hindi pa rin daw nagpapakita si Kardo. Malamang daw ay tumakas na ito sapagkat alam niyang siya ang nakapatay sa asawa.

Kinabukasan, nagtungo sina Nanay Cion, Tatay Ado at Sam sa burol. Maraming tao. Nakatingin sa kanila ang mga tao nang dumating sila. Walang nakakakilala sa kanila sapagkat pawang taga-kabilang barangay ang naroon. Taga kabilang bara-ngay ang mga kamag-anak ni Lina sa side ng kanyang ina.

Hindi napigilan ni Nanay Cion ang mapaiyak nang makita ang nakahimlay na si Lina. Parang natutulog lamang si Lina at tila walang bakas nang masakit na pi­nagdaanan sa kamay ng asawa.

Ang hindi inaasahan ni Nanay Cion at Tatay Ado ay ang mala­kas na pag-iyak ni Sam ha­­ bang nakatingin sa kabaong. Kahit hindi gaanong masilip si Lina sapagkat mataas ang kabaong ay nagpipilit na maabot ito. Walang tigil sa pag-iyak na aakalaing ina niya ang namatay.

Kahit nahihirapan, kinar­ga ni Tatay Ado si Sam. Ngumunguyngoy si Sam habang nakatingin kay Lina.

Nakatingin ang mga tao kay Sam. Nagtatanong ang mga mata nila. Kaninong anak ito at napaka-guwapo. Maganda ang kutis at napaka-pungay ng mga mata. At siguro’y maraming nagtata-ka kung bakit “mama” ang tawag kay Lina.

Nang mapagod si Tatay Ado sa pagkarga kay Sam ay ibinaba ito nagtungo sila sa mga nakahanay na upuan. Si Nanay Cion ay nanatiling nasa malapit sa kabaong at nakatingin kay Lina. Bakit kung sino pa ang mabait ay siya pang naunang pumanaw?

Nang nakaupo na si Tatay Ado at Sam, isang lalaki ang nagtanong kung kaninong anak si Sam at napaka-guwapo. Nakakagigil.

“Apo ko po siya. Anak ng namayapa kong anak na babae.’’

“Napakaguwapo po.”

“Anak siya ng Arabo.”

“Ah kaya naman pala.”

Akala ni Tatay Ado ay titigil na ang lalaki pero marami pa palang tanong.

‘‘Nasaan po ang ama niya?’’

“Patay na rin. Nasagasaan sa Saudi.’’

“Ah, ganon po pala.’’

“Oo.’’

Natahimik si Tatay Ado nang umalis ang lalaki. Wala nang magtatanong sa kanya.

Siya naman ang nagtanong sa isang babae ukol sa totoong nangyari kay Lina. At nasaan na nga ba ang asawa nito.

(Itutuloy)

ADO

ANAK

KAHIT

LINA

NANAY CION

NANG

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with