Halimuyak ni Aya (55)
“HUWAG Kardo, maawa ka kay Lina!†sabi ni Nanay Cion nang lapitan ni Kardo si Lina. Si Sam ay nakatingin kay Kardo.
“Huwag kang makiÂalam dito!†sabi ni Kardo at bigÂlang hinatak si Lina na noon ay nakaupo sa sopa. “Halika!â€
“Hindi ako sasama sa’yo.â€
“Huwag kang umarte at baka sapakin uli kita.â€
“Ayoko nang makisama sa’yo! Ayaw ko na!â€
Pero hinaltak na siya ni Kardo palabas ng bahay. Malakas si Kardo at kahit anong gawin ni Lina ay hindi makawala sa kamay ng asawa.
“Huwag ka nang magmatigas at lalo ka lamang masasaktan.â€
“Walanghiya! WalangÂhiya!â€
Nailabas ng bakuran si Lina. Nakatingin lamang ang maglola sa ginagawa ni Kardo kay Lina. Naisip ni Nanay Cion, mabuti na lamang at wala rito sa bahay si Tatay Ado. Baka kung ano ang nangyari. Baka nataga ni Tatay Ado si Kardo. Hindi hahayaan ni Tatay Ado na makapasok ng bahay si Kardo. Mabuti na lang at wala sapagkat tiyak na may masusugatan at baka mas mahigit pa roon. Ang itak ni Tatay Ado ay laging bagong hasa.
Kinaladkad ni Kardo si Lina. Ang mga kapitbahay nina Nanay Cion ay naglabasan sa kani-kanilang mga bahay at pinanood ang pagkaladkad ni Kardo kay Lina. Hanggang sa mawala sa paningin ang mag-asawa.
Isang kapitbahay ang lumapit kay Nanay Cion ay nagtanong kung anong nangyari sa mag-asawa.
“Nahuli raw ni Lina si Kardo na may babae. Nagtatrabaho raw sa KTV sa kanto. Ang masakit, si Lina pa ang sinaktan. Sinuntok sa mukha at sinabunutan pa raw ni Kardo.â€
“Hayop na lalaki iyon. E bakit po sa bahay n’yo nagtungo, Nanay Cion?â€
“Humihingi ng payo sa akin.â€
“A, kung ako si Lina, hihiwalayan ko ang hayop na lalaking iyon. NapakaÂwalanghiya. Siya na ang nang-aapi sa asawa e siya pa ang nananakit.â€
Napatango na lang si Nanay Cion.
Umalis na ang kapitÂbahay. Niyaya ni Nanay Cion sa loob ng bahay si Sam.
“Lola, bakit sinasaktan si Mama Lina?†tanong ni Sam.
“Ah meron silang hindi pinagkasunduan,†sabi ni Nanay Cion. Hindi niya masabi kay Sam ang dahilan dahil hindi pa nito abot ang nangyayari sa buhay ng mag-asawa.
“Kawawa naman si Mama Lina, Lola.â€
“Oo. Kawawa naman siya.’’
“Paglaki ko, hindi ko sasaktan si Aya,†sabing nakangiti. “Mamahalin ko siya, Lola.â€
Nagtawa si Nanay Cion. Kakatuwa si Sam sa sinabi nito. Bakit naisip ni Sam iyon?
“Mahal mo ba si Aya?â€
“Opo.â€
“Bakit mo mahal?â€
“Basta po.â€
“Dahil binili ka ng laruan?â€
“Opo.’’
Pagkatapos ay tinanong ni Sam kung kailan darating sina Aya at mommy nito.
“Pupunta raw ngayong buwan na ito di ba? PaÂngako sa’yo di ba?â€
“Paano po kung hindi dumating?â€
“Darating yun. Huwag kang mainip. Basta isipin mo darating sina Aya.â€
Nang nag-uusap pa ang maglola nang duÂmating si Tatay Ado.
“Nasalubong ko si Kardo at si Lina.â€
“Nag-aaway pa?â€
“Hindi na. Mukhang nagkaayos na.â€
(Itutuloy)
- Latest





















