^

True Confessions

Alakdan (197)

- The Philippine Star

BILIB si Troy kay Mama Mayette sa pagiging “hot mama” nito. May edad na pero lumalaban pa. Mataas siguro ang level ng testosterone ng matrona kaya laging “hot”. Pero okey lang kay Troy. Tanggap naman niya ang kapalaran na magpaligaya sa katulad ni “hot mama”. Wala siyang magagawa sapagkat tinatanaw din niyang malaking utang na loob kay Mayette ang pagkakaligtas niya sa gutom. Utang din niya kung bakit siya nag-aaral ng Fine Arts. Kung wala si Mayette­, baka palabuy-laboy na siya at nagpapalimos na animo’y taong grasa.

Kabisado na niya ang kiliti ni “hot mama”. Tukoy na niya kung saan sasa­lakayin. At asintado siya kaya naman walang pagsidlan si “hot mama” sa kaligayahan. Alam niyang nasisiyahan si “hot mama” sapagkat napupuno ng mga impit na daing at haluyhoy ang silid.

At pagkatapos niyon, makikita niyang plastado si “hot mama” at may naiwang ngiti sa mga labi. Solb na solb sa nalasap na ka­ligayahan sa kanya.

Pero kinabukasan, naroon na naman ang takot ni “hot mama” na baka isang araw ay iwan siya ni Troy. Laging may insecurities ang matrona.

“Alam ko, mas bata at sariwa ang gusto mo,” sabi ni Mayette habang naka­yakap sa kanya.

“Ba’t mo naman nasabi ‘yan?”

“Basta. Iyon ang feel ko. Gusto mo kasing edad mo di ba?”

“Hindi! Akala mo lang yun.’’

“Alam ko, iniimagine mo ang malanding babae…”

“Sino?”

“Maang-maangan ka pa.”

“Sino nga?”’

“Sino ba ang malandi na nagtago sa ilalim ng kama? Sino ba ang naki­kipagharutan sa hayop na si Digol?”

“Si Kreamy?”

“Sino pa ba?”

“Hindi ko ini-imagine yun. Ikaw nga ang ini-imagine ko.’’

“Oww?”

“Talaga naman. Mas­yado ka lang suspetsosa.’’

“E kasi’y nararamdaman ko. Di ba lagi mong tinatanong ang malandi?”

“Anong masama run?”

“Basta wag mo siyang itanong.’’

“Sobra ka naman.’’

“Huwag mo nang isipin ang malanding babae. Ako na lang lagi. Kaya ko namang ibigay ang hina­hanap mo.’’

“Ganun naman talaga ang ginagawa ko.’’

“E kung pakasal tayo?”

Nangilabot si Troy. Biro kaya o totoo?

(Itutuloy)

ALAM

FINE ARTS

HOT

MAMA

MAMA MAYETTE

MAYETTE

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with