^

True Confessions

Alakdan (154)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

NASAAN na kaya si Kreamy? Ilang buwan na ang nakararaan mula umalis sa bahay na ito. Saan kaya nagpunta? Ilang linggo rin siyang naghanap kay Kreamy pero hindi niya nakita. Maski ang kaibigan nito ay walang alam kung nasaan si Kreamy.

Sinulyapan niya si Mama Mayette. Tulog na tulog. Halatang napagod. Ibang klase rin naman kasi ang matrona. Pagkuwa’y napangiti si Troy. Si Mama Mayette ang nagmulat sa kanya para matikman ang “glorya”. Mahusay na tagaturo si Mama Mayette. Kung hindi kay Mama Ma­yette ay baka wala pa siyang kamuwang-muwang hanggang ngayon. Nararamdaman pa niya ang mga ginawa ni Mama Ma­yette. Alam ni Mama Ma­yette ang gagawin sa katulad niyang “baguhan” at walang kamuwang-muwang.

Nakatulugan na niya ang mga isiping iyon.

KINABUKASAN, naram­daman ni Troy na may mga kamay gumagapang patungo sa kanyang “harapan”. Nananaginip yata siya. Pero hindi. Totoo lahat. Nararamdaman niya ang init ng kamay na gumagapang. Humantong ang kamay sa harapan. Dinakma at nasapol. Mahusay dumakma sapagkat hindi nakalipad ang ibon.

Saka biglang nakarinig ng hagikgik si Troy. Nang magmulat siya, nakita ang nakatunghay na mukha ni Mama Mayette. Nakangisi o nakangiti? Hindi inaalis ang pagkakadakma sa hindi nakaalpas na ibon.

“Ang guwapo mo pala kapag bagong gising,’’ sabi at tila hinigpitan pa ang pagkakadakma sa ibon.

Hindi siya sumagot kay Mama Mayette. Nakatingin lang siya rito.

“Talagang certified na virgin ka, Troy,” sabi uli ni Mama Mayette. “Hindi ka talaga nagsisinungaling. Kaya naman atat na atat ako.’’

Hindi sumagot si Troy. Hinayaan si Mama Mayette na magsalita nang magsalita. Halata naman niyang maligayang-maligaya at satisfied si Mama Mayette. May kislap pa sa mga mata. Talaga yatang nakakadagdag ng saya sa babae ang “sariwang hotdog”.

“Anong gusto mong almusal, Troy. Sige magsabi ka at iluluto ko.’’

“Kahit ano.’’

“Tosilog at kape?”

Tumango si Troy.

Bumangon si Mama Mayette. Hubo’t hubad. Nagtapi ng tuwalya.

“Diyan ka lang. Tatawagin kita kapag mag-aalmusal na tayo.’’

Tumango siya. Umalis si Mayette.

Ito ang isang masarap na pagsisilbihan siya ni Mama Mayette. Tama nga yata ang pasya niya na sumuko kay Mama Mayette. Magbubuhay-hari pa siya ngayon. Kung ano ang sabihin niya kay Mama Mayette, gagawin nito.

Makaraan ang 20 minuto, eto na si Mama Mayette at tinatawag na siya para mag-almusal.

Pinagsilbihan siya. Alagang-alaga siya. Hindi nga siya magugutom sa piling ni Mama Mayette.

MINSAN, may pinuntahan si Mama Mayette. Naisipan ni Troy na pumasok sa dating kuwarto ni Kreamy.

Maayos ang kuwarto pero halatang matagal nang walang pumapasok. Amoy nakulob ang loob. Naka-display pa ang picture ni Kreamy.

Binuksan niya ang cabinet. Ilang damit ang naroon. May mga nakita siyang salansan ng mga libro­, sulat, kahon ng alahas, pabango at iba pa.

Kinuha niya ang isang notebook. Binuklat.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREAMY

MAMA

MAMA MA

MAMA MAYETTE

MAYETTE

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with