Alakdan (151)
PUMASOK na si Troy sa banyo. Hindi naman talaga siya mangungumpisal o uupo sa trono. Sinabi lamang niya iyon para hindi agad maganap ang inaasahan na niyang paniningil ni Mayette. Alam niya malapit nang maganap ang paniningil. At sa pagkakataong ito, hindi na siya makatatanggi kay Mayette. Kung noon ay pawang pagtanggi at pagpapahiya kay Mayette ang ginawa niya, ngayon, hindi na uubra. Si Mayette ang nagpakain sa kanya. Ito ang nagligtas sa kanya sa tiyak na pagkagutom at pagkasira ng ulo.
Naligo na siya. Nag-sabon. Sabi ni Mayette magsabon siyang mabuti. Siyempre naman, magsasabon siya nang ayos. Kapag naliligo siya ay matagal ang ginugugol niya sa banyo. Sinisiguro niyang malinis na malinis ang kanyang katawan. Matagal siya kung magsabon. Ilang ulit niyang pinapapasadahan ng sabon ang katawan. Pagkatapos ay nagbanlaw siya nang todo. Malakas ang tubig na lumalabas sa shower kaya pakiramdam ni Troy ay tanggal lahat ang libag niya sa katawan. Malinis na malinis ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, ngayon lang siya nakapaligo na pakiramdam niya’y said na said ang kanyang libag.
Ano kaya kung pumayag siyang magsabay silang maligo ni Mayette? Kanina ay talagang pinipilit ni Ma-yette na magsabay silang maligo. Talagang kahit may edad na si Mayette ay malakas pa rin ang sikad ng pagkahaling sa laman. Sabagay, matagal-tagal na rin sigurong hindi “nakakatikim” si Ma-yette kaya naman ganun na lamang ang pagpipilit kanina. Pero gaya nga ng plano niya, ayaw niya nang mabilisan. Gusto niya pag-aralang magustu-han na rin si Mayette. Sa kalagayang ito na wala siyang ibang mapupunta-han at lahat na lamang ay ginawa niya para makakita ng pagkakakitaan, isusuko na niya ang lahat kay Ma-yette.
Siguro kung pumayag siya kanina na magsabay silang maligo, baka nagsisimula na ang panini-ngil ni Mayette. Siguro ay baka abalang-abala na ang “gutom” na si Mayette sa kinasasabikang putahe. Siyempre hindi na niya ito mapipigilan sa pagsalakay at magpapaubaya siya. Hanggang sa mairaos ni Mayette ang “init” ng kanyang katawan.
Napangiti si Troy. Nagpakipot pa siya pero kay Mayette rin pala ang bagsak niya. Kung anu-ano ang ginawa niyang pagtanggi pero kakainin pala niya ang lahat nang sinabi.
Natapos ang paliligo ni Troy. Nagpunas siya ng tuwalya. Tinuyo ang katawan. Pagkatapos ay ibinalot ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Wala siyang saplot sa ilalim ng tuwalya.
Binuksan niya ang pinto. Nag-aabang na kaya si Mayette? Posible. Kilala niya si Mayette. Sumasa-lakay ito nang walang puk-nat at idaraos ang gusto.
Pero nang makalabas siya sa banyo, hindi niya nakita si Mayette. Naglakad siya patungo sa salas. Baka nanonood ng TV. Pero wala sa salas.
Nagpalinga-linga siya. Nasaan ang babaing iyon? Baka lumabas at may binili.
Naisipan niyang magtungo sa silid na kinaroronan ng kanyang mga damit. Doon na siya magbibihis.
Binuksan niya ang kuwarto. Tiwalang pumasok doon. Madilim sa loob. Nagulat siya sapagkat naroon si Mayette!
(Itutuloy)
- Latest
- Trending