^

True Confessions

Alakdan (132)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

MALAYA na si Mayette kaya malakas ang loob sa pang-aakit. Wala na rin si Kreamy na para sa kanya ay ugat ng lahat ng kamalasan ng kanyang buhay. Kahit ano ay maaari na niyang gawin ngayon. Wala nang makakapigil   pa para alukin si Troy.

“Dun ka na titira sa bahay ko, Troy. Lahat nang gusto mo. Marami akong pera. Bago namatay ang asawa ko, naibenta ko ang mga lupa namin sa Marinduque at Bicol…’’ sabi ni Mayette na tila tinatakam si Troy. Alam na ni Troy ang kuwentong iyon. Sinabi sa kanya ni Kreamy. Nang maibenta ang mga lupa na pinundar ng asawa, ay hindi naman ginamit para maoperahan ang asawa. Katwiran ay hindi naman 100 percent na mabubuhay ang asawa.

“Magbubuhay hari ka, Troy. Yung binigay ko sa pinsan mong si Digol, mas mahigit pa roon ang tatamasahin mo. Hindi ka na magtatrabaho. Wala ka nang katatakutang superbisor. Hindi mo na kailangang magmadali sa pagpasok at baka ka mapagalitan kapag na-late…” sabi pa ni Mayette. Ayaw na talagang tigilan si Troy. Ibubuhos na lahat ang pang-aakit.

“Ano Troy?”

“Talaga bang mahal mo ako Mayette?”

“Oo naman.’’

“O baka libog lang ang nararamdaman mo.”

“Siyempre kasama na ‘yun. Meron ba namang nagmahal na hindi nakadama ng “L”?”

“Iba kasi yung pagmamahal na galing sa puso at walang halong pagnanasa. Yung pagnanasa ay sa huli na ’yun. Ikaw gusto mo, magtatalik na tayo…’’

Napatingin si Mayette nang walang kakurap-kurap kay Troy.

“Sige, magtalik tayo ngayon, Mayette.”

Hindi makakilos si Ma-yette. Nabigla sa sinabi ni Troy.

Lalo pang nabigla si Mayette nang hubarin ni Troy ang short at pati ang brief.

“Ano, maghubad ka na, Mayette. Di ba ito ang gusto mo?”

Tulala si Mayette. Naka­tingin lang kay Troy. Hindi matingnan ang nakabanderang “pagkalalaki”.

Nang mahimasmasan ay bigla itong lumabas ng kuwarto ni Troy. Hindi na nilingon si Troy.

Napangiti naman si Troy. Saka pinulot ang shorts at brief na hinubad. Isinuot. Naupo. Ganun lamang pala ang paraan para mapatigil sa pagnanasa si Mayette. Kaila-ngang gulatin.

NANG mga sumunod na araw ay hindi nakita ni Troy si Mayette. Hindi na nagtutungo sa kanyang kuwarto. Pero wala nang epekto kay Troy kung galit man si Mayette sa kanya. Hindi na siya natatakot ngayon.

Ang nasa isip niya ay hanapin si Kreamy. Gusto niyang makita si Kreamy.

Ilang beses niyang tina­wagan at tinext si Kreamy pero walang sagot. Nakasara ang cell phone.

Nang mga sumunod na araw, sinubukan niyang hanapin si Kreamy. Nagtanung-tanong siya sa mga tao na inaakala niyang may nalalaman kay Kreamy. Nagtanung-tanong siya sa tindahan sa di-kalayuan sa bahay nina Kreamy pero wala siyang nakuhang impormasyon. Hindi raw ito nakita nang umalis. Hindi malaman ni Troy kung paano ang gagawin para makita si Kreamy.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO TROY

KREAMY

MAYETTE

NAGTANUNG

NANG

TROY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with