^

True Confessions

Alakdan (126)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

GIMBAL si Troy sa nalaman kay Mayette ukol sa pagkatao ni Kreamy. Ampon daw ito. Pero gusto pang malaman ni Troy ang buong istorya kung ano pa nasa likod ng pag-aampon kay Kreamy. Gusto na niyang apurahin si Mayette sa pagkukuwento.

“Paano ang nangyari nang ampunin ng mister mo si Kreamy?” tanong ni Troy.

“Dumating nga ang matulis kong asawa isang araw na may dalang sanggol --- babaing sanggol. Maganda. Cute. Maputi. Iyon daw ay anak ng isang kasamahan niya sa Saudi. Masyado raw babaero ang kasamahan niya. Yung babaing nabuntis daw ay estudyante at natatakot na malaman ng mga magulang. Itinago raw ang pagsisilang.”

“Legal ang pag-aampon?”

“Ewan ko, basta ang sabi ng asawa kong matulis, ayos na ang mga papeles at ang pangalan ng bata ay Marie Christmas kasi Pasko raw pinanganak. E ano pa ang magagawa ko e di tanggapin. Pero ayaw ko sanang mag-ampon dahil malaki pa rin naman ang paniwala ko na magkakaanak pa rin kami. Hindi pa lang natitiyempuhan…’’

“E di simula noon, na-ging anak n’yo na si Marie Christmas o Kreamy?”

“Ano pa? Ikinuha siya ng yaya. Alangan naman na ako ang mag-alaga. Ayaw ko ngang mag-alaga ng hindi ko anak.”

“Ayaw mo talaga kay Kreamy noon pa?”

“Ewan ko kung bakit mabigat ang dugo ko. Kapag umiiyak ay sinisigawan ko ang yaya na patahimikin sapagkat naiirita ako. Ayaw kong makarinig ng iyak ng bata.’’

“Ano naman ang sabi ng asawa mo kapag nakiki-tang mabigat ang dugo mo kay Kreamy?”

“Wala. Siguro gusto akong pagsabihan pero natatakot din. Kasi’y aaawayin ko siya.’’

“Kailan mo nalaman na anak pala ng asawa mo sa isang DH si Kreamy at hindi ng kasamahan nito.”

“Mga one year old na si Kreamy. Isang kasamahan niya ang nagtungo sa bahay at nagdala ng mga pasalubong mula Saudi – galing sa asawa ko. Nadulas ang dila ng kasamahan nang makita si Kreamy. Si Kreamy kasi ay nasa salas at naglalaro nang dumating ang kasamahan. Kasabi-sabi pa naman na kamukhang-kamukha raw ni Siony. Bigla akong nagtaka. Tinanong ko kung sinong Siony. E madali palang patugain ang kasamahan ng asawa ko. Madaling natakot. Sinabi na si Siony ay isang DH na naging kabit ng asawa ko at nabuntis. Doon na nagsimula ang pagsabog ng galit ko. Parang Pinatubo na sumabog.

“Nang umuwi ang asawa kong matulis, hindi na hinintay ang tanong ko. Kusa nang umamin. Anak niya si Kreamy sa isang DH…” (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

ASAWA

AYAW

EWAN

KREAMY

MARIE CHRISTMAS

SIONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with