Alakdan (102)

MALAKI na talaga ang “sira sa tuktok” ni Mayette, naisip ni Troy. Desperada na yata at lahat-lahat ay gustong ibuyangyang sa kanya. Pati yung tinatakpan ng shorts niya ay gustong ipakita. Meron palang ganitong babae na kapag nagkagusto ay kahit isangla ang kaluluwa sa demonyo. Akala ni Troy, sa mga pelikula lang at telenobela mayroong ganitong babae — totoo pala na may baliw kapag sukdulan na ang pag-aalok pero ayaw namang tukain nang pinag-aalukan.

Naibaba na ni Mayette ang shorts at lumitaw na ang itim na panty nang mula sa labas ay may narinig silang sigaw: TULUNGAN N’YO KAMI!!!

Biglang itinigil ni Mayette ang paghubo ng shorts.

“Ano ‘yun?” Tanong nito habang nakahawak sa shorts na nasa may tuhod na.

“Boses ni Kreamy yun ah!”

Napamaang si Mayette. Gustong makatiyak.

“Baka may nangyayari sa inyo?”

Hindi pa rin makapagsalita si Mayette.

“Baka may nangyari sa asawa mo? Baka inatake!”

Sapat ang sinabi ni Troy para ibalik ni Mayette ang hinuhubad na shorts. Mabilis na binutones at siniper. Dinampot ang hinubad na damit at mabilis ding isinuot. At saka tinungo ang pintuan.

“Buwisit!” Sabi nito at saka mabilis na lumabas.

Sinundan ng tingin ni Troy si Mayette habang patawid sa kalsada at hanggang sa makapasok sa gate.

Nagbalik si Troy sa kanyang kama. Umupo roon at naki­ramdam. Bakit kaya sumigaw si Kreamy?

Maya-ma­ya narinig uli niya ang sigaw ni Kreamy. Ka­ilangan na niyang tumulong.

(Itutuloy)

Show comments