Alakdan (97)
“PATULOY pa rin akong pinipilit ng mama mo, Kreamy. Gaya nung minsan, pinuntahan ako sa aking trabaho…’’
Nakatingin si Kreamy kay Troy. Hindi inaasahan ang pagtatapat ni Troy.
“Pero gaya ng sabi mo, hindi ko pinansin ang panunukso niya. Naalala ko ang sinabi mo na huwag ko nang dagdagan ang kasalanan ng mama mo…â€
“Salamat uli, Troy.’’
“Pinagbigyan ko lang ang mama mo nang yayain akong kumain pero hanggang dun lang. Matibay ang pangako ko sa iyo at ganundin sa aking sarili.’’
Napatangu-tango si Kreamy.
“Kapag nagpatuloy ang mama mo, baka umalis din ako rito pero sasabihin ko sa’yo. Ikaw ang unang makakaalam kung aalis ako rito para makaiwas…’’
“Sige Troy. Gawin mo ang inaakala mong tama.’’
“Maari naman akong mangupahan sa malapit sa trabaho ko. Problema lang ay baka sundan ako ng mama mo…’’
Napabuntunghininga si Kreamy.
“Sige na Kreamy, umalis ka na at baka makita ka ng mama mo rito. Baka magtago ka na naman sa ilalim ng kama.’’
“Mamaya pa darating ang mga yun. Mga ilang examiÂnation ang gagawin kay Papa. Sabi niya sa akin, sa Saudi sana siya magpapa-ECG pero wala siyang tiwala sa doctor dun.’’
“Kung may sakit ang Papa mo, e di hindi na siya makakapag-Saudi?â€
“Malamang. Pero diÂnadalangin ko, sana walang sakit si Papa. At kahit wala siyang sakit, sasabihin ko, huwag na sana siyang bumalik sa Saudi. Ako na lang ang magtatrabaho.’’
“Pero baka ipagtulakan siya ng mama mo sa Saudi kapag wala siyang sakit.’’
Napailing-iling si Kreamy. Problemado.
Maya-maya nakarinig sila ng tumigil na sasakyan sa tapat. Sumilip sila.
“Dumating na sila Kreamy.’’
“Aalis na ako, Troy.’’
“Mag-ingat ka, Kreamy.’’
(Itutuloy)
- Latest