Alakdan (72)
“Maupo ka Troy. Nasa banyo si Mama. Magbasa ka muna ng diyaryo.’’
HIYANG-HIYA si Troy kay Kreamy. Narito siya para mangutang ng pera sa ina nito. Pero kailangan niyang labanan ang hiya. Hindi na siya maaaring umatras dahil nasa loob na siya ng bahay ni Mayette. Bahala na.
“Oo. Salamat.’’
“Ako nga pala si Kreamy.’’
“Pasensiya ka na Kreamy kung naabala ko kayo. Kasi’y buhay ang nakasalalay kaya nagtungo ako rito.’’
“Ano ba ‘yun, Troy?”
Magsasalita sana si Troy nang biglang marinig ni Kreamy ang pagbubukas ng banyo. Tapos na ang mama niya sa paggamit ng banyo.
“’Ma may bisita ka.”
“Sino?”
“Si Troy yung nangungupahan sa bahay mo sa tapat.’’
“Sandali lang at magbibihis ako.’’
Hindi na nag-usap sina Troy at Kreamy.
Maya-maya pa ay lumabas na si Mayette. Si Kreamy naman ay nagtungo sa kusina.
“Anong problema, Troy?”
“Hindi na sana kita aabalahin, Mayette pero ikaw lamang ang makakatulong sa akin.’’
“Tungkol sa pera?”
Tumango si Troy.
“Magkano?”
“Thirty thousand, Mayette.’’
“Ano bang nangyari sa father mo?’’
“Hindi na makagalaw. Parang gulay ba…”
“Masama pala talaga.’’
“Inooperahan na ang Itay ko at sabi raw ng mga doctor maaa-ring makaligtas.’’
“Mukhang proble-matic ka Troy.’’
“Oo nga. Hindi ko alam kung sino ang tutulong sa akin. Mapapahiram mo ba ako Mayette?’’
“Kailan ba kita binigo, Troy?
(Itutuloy)
- Latest
- Trending