MAY sasabihin pa sa-na si Mayette kay Troy pero biglang nagring ang cell phone ni Mayette. Dinukot ang cell phone sa bulsa at si-nagot ang tumatawag.
“O bakit?” Tanong ni Mayette sa tumawag.
Sumagot ang nasa kabilang linya.
“Ngayon na? Bakit daw?” Seryoso si Ma-yette habang nagsasa-lita. Tila may problema.
“Sige, darating na ako. Okey sige.’’ Isinara nito ang cell phone at isinilid sa bulsa.
“Sige Troy saka na lang tayo mag-usap. Ipadala mo na ang pera sa tatay mo,” sabi nito at mabilis na lumabas ng pinto.
Naiwan si Troy. Natigilan siya. Naisalba siya nang tumawag sa maaaring mangyari sa kanila ni Mayette. Baka hindi na siya makatanggi sa anumang hilingin ni Mayette.
AGAD ipinadala ni Troy ang pera para sa pagpapagamot ng kanyang itay. Makaraang ipadala, tumawag siya sa kanyang pinsang babae. Ang pinsan niyang babae ay agad na nagtungo sa bahay ng kanyang magulang. Nakausap niya ang kanyang ina.
“Inay nagpadala na ako ng pera. Kumusta si Itay?’’
Umiiyak ang kanyang Inay.
“Hindi pa rin maigalaw ang kanyang katawan. Masakit ang tagiliran. Awang-awa ako sa Itay mo.”
“Huwang kang umiyak Inay. Ipaopera mo na siya, Inay.’’
Walang tigil sa pag-iyak ang Inay ni Troy. Bakit ganoon ang pag-iyak ng Inay niya?”
(Itutuloy)