Alakdan(66)
ANG babaing kausap niya kanina sa bahay ni Mayette ang nasa labas.
“Good evening. Hindi pa dumarating si Mama. Hindi sinabi kung anong oras darating. E ano ba ang importanteng sasabihin mo sa kanya. Mahalagang-mahala- ga ba?’’
Nakamaang si Troy. Hindi agad nakasagot. Anak pala ito ni Ma-yette. Mama ang tawag kay Mayette. Hindi nabanggit ni Mayette na mayroon pala itong anak. Nag-aksaya pa ang babaing ito na puntahan siya para lamang sabihin na wala.
“Hindi naman. Huwag mo na kayang sabihin sa kanya. Okey lang.’’
“Ano nga uli ang name mo?’’
“Troy.’’
“E di huwag ko nang sabihin kay Mama na mayroon kang kaila-ngan. Baka naman nahihiya ka lang.’’
“Hindi. Huwag mo na lang sabihin.’’
‘‘Sigurado ka ba. Baka may kaugnayan dito sa inuupahan mo ang problema?’’
“Hindi. Okey lang itong tirahan ko.’’
“Okey. Sige.’’
‘‘Salamat.’’
Umalis na ang babae. Hinabol ni Troy ng tingin. Simpleng-simpleng manamit at kumilos. At sincere makipag-usap.
Isinara ni Troy ang pinto. At saka niya naalala kung bakit hindi niya naitanong ang pangalan. Napakahina niya. Tala-gang hindi siya maru-nong dumiskarte sa babae. Hindi siya katulad ni Digol na mabilis ang bibig at madaling ma-kabola.
Nag-alala marahil ang babae dahil sa sinabi niyang mahalaga ang sadya niya kay Mayette. At nang hindi pa dumarating ang ina ay sinadya na siya para ipaalam. Bakit naman kaya wala pa si Ma-yette? Iniiwang nag-iisa ang anak na dalaga pa naman. Pero malay naman niya kung may kasamang katulong.
KINABUKASAN ng umaga, naghahanda sa pagpasok si Troy nang may kumatok na naman sa pinto. Baka si Mayette na ito. Malakas ang katok. Nagmamadali.
Binuksan niya. Si Mayette nga!
‘‘May mahalaga ka raw kailangan sa akin?’’ Tanong nito. Sinabi rin pala ng anak niya.
Patda si Troy. Sabihin pa kaya niya o huwag na lang.
“Ano, Troy?’’
(Itutuloy)
- Latest
- Trending