DAHIL sa paggambala sa “natutulog na ahas” ay nagising ito. Biglang lumaki. Tumayo. Ang ulo ay nagmistulang sa “kobra” na handang tumuklaw. Matikas na matikas sa pagkakatayo. Mayabang na mayabang ang porma.
Si Mayette ay walang masabi kundi nakatitig sa “kobra”. Maaamung-maamo ang mukha ni Ma-yette. Para bang handang pasakop sa kapangyarihan ni Troy. Nawala ang paghahamon sa mukha ng matrona na kanina lamang ay walang pakundangan kung lait-laitin at pagbintangang bakla si Troy. Ngayon ay pawang pagsuko ang nakalarawan sa mukha ni Mayette. Kahit ano yata ang hilingin dito ni Troy ay ibibigay.
“Bakla ba ako, Mayette?” Tanong ni Troy na ang tinig ay para bang sa isang mandirigma na nagwagi sa laban.
Hindi makapagsalita si Mayette. Iling lang ang ginawa.
“Akala ko sabi mo e bakla ako?’’
Patuloy na pagsasalita ni Troy na hindi inaalis ang pagkakahawak s nagwawalang “kobra’’.
Umirap si Mayette. ‘’Yung klase ng irap na para bang sinasabing ‘ikaw naman, hindi na mabiro’. Pagkatapos umirap ay muling tinutok ang tingin sa kobra. Tila ba hangang-hanga sa ulo ng “kobra” na pin-kish ang angking kulay. Halatang hindi pa sumusubo sa anumang “laban” ang “kobra”. Ganun ang inaasam niya. Ganun ang matagal na niyang pinapangarap.
‘‘Sasabihin mo pa bang bakla ako, Mayette?’’ Tanong muli ni Troy.
“Hindi na! Ito naman para hinamon ko lang e nagalit na…’’ Sagot ni Ma-yette na umirap na naman.
“E di nagkakatindihan na tayo.’’
“Opo. Hindi na po mauulit.’’
“Hindi mo na ako kukulitin?”
Hindi sumagot. Parang hindi payag sa sinabi.
Nang akmang itatago na ni Troy ang malaking ulo ng “kobra” ay sinansala siya ni Mayette.
“Teka naman. Huwag muna, Troy.’’
“Bakit?’’
“Puwedeng anuhin ko.’’
“Anong anuhin?’’
“Yung ganun…” At binuka ni Mayette ang ma-kipot na bibig.
Napatawa lang si Troy sa hiling ni Mayette.
“Sige na, Troy.’’
(Itutuloy)