“DYOK lang Troy,” sabi ni Mayette. “Baka maniwala kang mayroon ngang tagahugas ng keps. Hayaan mo at itatanong ko kung nangangailangan pa ng messenger ang kaibi-gan ko.”
“Salamat po,” sagot ni Troy.
“Ay huwag mo akong pupuin at hindi pa ako matanda.’’
“Oo nga naman, Troy. Hindi pa matanda yang si Mayette. Makatas pa ‘yan.’’
Kinurot ni Mayette si Digol.
“Oy Digs, mamaya daanan kita rito ha. Sandali lang tayo sa Quiapo.’’
“Sige basta yung sinabi ko ha.’’
“Oo.’’
Umalis na si Mayette.
Isinasara ni Digol ang pinto.
“Tiyak na mapapalaban na naman ako nito,” sabi ni Digol.
“Bakit Pinsan?”
“Kinakati na naman si Mayette. Kailangan na naman ako.’’
‘‘May relasyon kayo ni Mayette?’’
Nagtawa si Digol.
“Pinsan dito sa Maynila kailangang madiskarte ka para mabuhay. Kapag mahina ang diskarte mo, mamamatay ka nang dilat dito…’’
Nakatingin lang si Troy. Unti-unti nang lumilinaw ang lahat sa kanya.
“Wala namang mawawala sa akin kung maki-pagrelasyon ako kay Ma-yette. Lalaki naman ako. At saka marami akong napapakinabang sa babaing yun. Hindi ako nagbabayad dito sa bahay. Sinusustentuhan ako. Tapos ngayon e ipinakiusap kong dito ka titira. Tingnan mo at walang tutol nang sabihin ko dito ka titira. Hindi siya makakatanggi dahil mapuputol ang kaligayahan niya. Takam na takam siya sa Hungarian sausage…’’
Nagtawa si Troy. Komi-kero ang pinsan niyang ito.
“Takot si Mayette na mawala ako sa buhay niya, Pinsan.”
“Paano kung mahuli kayo ng asawa niya?’’
“Nasa Saudi e paano mahuhuli?”
“Matagal na kayong may relasyon?”
“Mga dalawang taon na.’’
“May anak si Mayette?’’
“Oo. Dalaga na.’’
Hanggang magpaalam si Digol na maliligo na.
“Kailangang mabango ako. Sige pinsan, magpahinga ka muna dun sa kama ko. Maliligo lang ako.’’
Nang mag-alas singko, kumatok si Mayette. Bihis na ito. Niyaya na si Digol.
“Sige Pinsan, alis muna kami. Bahala ka na muna rito.’’ (Itutuloy)