^

True Confessions

Alakdan (3)

- Ronnie M. Halos -

“BAKIT nga Mayette?” Tanong ni Digol.

“Magpapasama sana ako sa Quiapo mamaya.’’

“Anong gagawin mo   sa Quiapo?”

“Bibili ng DVD.’’

Nagtawa si Digol.

“Wala nang DVD run, ano ka ba?”

“Meron. Patago. Samahan mo ako ha?”

“May bisita ako Ma-yette.”

“Sino siya?”

Nakatingin si Mayet­te kay Troy. Pagkatapos tingnan ang mukha ni Troy ay bumaba ang tingin. Humantong ang tingin sa ibaba. Binawi ang tingin doon.

“Si Troy, pinsan ko.’’

“Guwapo rin ah.’’

“Siyempre magpinsan kami.’’

Nginitian ni Mayette si Troy.

“Troy si Mayette ang may-ari ng bahay na ito. Marami nang pera yan. Malaki ang sahod ng asawa sa Saudi. Magkanong suweldo ng mister mo, Mayette.’’

“Maliit lang. Eto namang si Digol at pati iyon ay sinasabi. Maniwala tuloy si Troy na marami akong pera.’’

“Totoo naman di ba?”

“Tumigil ka nga, Digs. Ano samahan mo ba ako sa Quiapo?”

‘‘Anong oras ba?”

“Mga alas singko. Sandali lang tayo.’’

“Sige. Pero mayroon akong ipakikiusap sa’yo ha?”

“Ano naman yun?”

“Dito muna titira si Troy. Wala kasing ibang ka-mag-anak dito sa Maynila kundi ako.’’

Tumingin kay Troy si Mayette.

“Sige. Mukha namang mabait si Troy.’’

“Talagang mabait ‘yan.’’

“Virgin pa siguro yan.’’

“Oo naman. Katutuli nga lang niyan.’’

Napahalakhak si Ma-yette. Si Troy ay parang nanliliit sa takbo ng usapan ng dalawa.

“Wala kang magiging problema dito sa pinsan ko. Maghahanap yan ng trabaho kaya narito. Baka naman meron kang kaki­lalang naghahanap ng messenger o kahit janitor o kahit taga-hugas ng puwet.’’

“Tagahugas ng keps, meron…”

“Kung malaki ang suweldo sige, Pati ako papasok na taga-hugas.”

Nagtawa si Mayette. Saka muling tumingin kay Troy. (Itutuloy)

ANO

ANONG

DIGOL

MAYETTE

SI TROY

TROY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with