^

True Confessions

Alakdan (Simula)

- Ronnie M. Halos -

ALAS DOS ng hapon nang dumating si Troy sa May­nila. Walong oras ang biyahe mula sa Pinamala­yan. Gutom na gutom siya. Hindi umubra ang tatlong mais na binili niya sa bus. Magkukulang ang kanyang pera kapag bumili pa siya ng kakainin kaya tiniis na lang niya. Siguro naman pagdating niya sa bahay ng kanyang pinsang si Rodrigo na lalong kilala sa tawag na Digol ay may pagkain doon.

Noong Disyembre sila nagkita ni Digol. Umuwi ito sa kanilang probinsiya at doon nagpasko. Inistima niya si Digol. Nang sabihin niya kay Digol na gusto niyang mag-Maynila para maghanap ng trabaho ay agad itong nag-alok. Doon na raw sila magsama sa tirahan nito. Huwag daw mag-alala at siya ang bahala. Baka maipasok pa raw siya ng trabaho ni Digol. Hindi naman binanggit ni Digol ang trabaho nito.

Sinabi niya sa kanyang inay at itay ang balak na pagtungo sa Maynila para doon maghanap ng trabaho. Payag naman ang itay at inay niya. Wala rin kasing pagkakakitaan sa probinsiya nila. May naipong kaunting pera ang kanyang ina at iyon ang pinabaon kay Troy. Tipirin daw hanggang sa makakita ng pagkakakitaan.

Tinandaan ni Troy ang mga sinabi ni Digol kung paano makikita ang tirahan sa Sampaloc. Sumakay daw ng dyipni na biyaheng Blumentritt-Dimasalang. Pagdating daw sa may Dangwa Terminal sa kanto ng Laon Laan at Dimasa­lang ay bumaba at lakarin na lang. Malapit na raw doon ang tirahan. Para madaling makita ay binigyan siya ng sketch ni Digol. Huwag daw siyang magtatanong sa taong makakasalubong at baka kung saan lang siya ituro. Basta sundin lang ang sinabi niya at sketch.

Madaling nakita ni Troy ang tirahan ni Digol. Dikit-dikit ang mga bahay sa   lugar na iyon. May mga ba­tang naglalaro sa kalsada.

Nakita niya ang bahay na tirahan ni Digol.

Kumatok siya sa pinto.

Matagal bago buksan. Nang bumukas ay tila nananaginip pa si Digol. Pero nang manumbalik ang wisyo ay napalakas ang boses.

“Pinsang Troy. Ikaw nga. Halika, pasok! Pasok!”

Pumasok si Troy. Ma­init sa loob. May maliit na electric fan. May isang silya at maliit na mesang plastic.

“Maupo ka. Gutom ka ano?”

“Oo Digol.’’

“Halata nga. Namumut­la ka e. Teka at magbubukas ako ng sardinas. My bahaw pa akong natira. Pagtiisan mo muna at mamaya ka na lang bumawi.’’

Naghain si Digol. Agad na kumain si Troy. Gutom na gutom siya.

(Itutuloy)

DANGWA TERMINAL

DIGOL

GUTOM

HUWAG

LAON LAAN

MAYNILA

NANG

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with