May isang Pangit (57)
HABANG nagda-drive ay pinagmamasdan ko si Alice. Maganda talaga, Paano ako nagustuhan nito? Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin. Hindi ko akalain na makakapag-asawa ng ganito kagandang babae.
“Matigas ka ba sa lamig Tibur?” Mahinhin ang boses ni Alice. Bagay na bagay sa perso-nalidad.
“Medyo.”
“Sa Saudi ba ay malamig din?”
“Oo. Tuwing Nob-yembre hanggang Marso ay malamig dun.”
“Talaga? Akala ko, mainit dun.”
“Mainit nga kung Hun-yo hanggang Setyembre. Sobra naman ang init.”
“E di kawawa ang mga nagtatrabaho sa labas.”
‘‘Oo. Pero mas matindi roon ang sandstorm. Walang makita sa kal- sada kapag nagkaroon ng sandstorm.’’
“Dito sobra ang lamig. Nagsisimula ng Pebrero ang lamig dito.’’
“Kaya ko naman ang lamig basta kasama ka Alice.”
Napangiti si Alice.
“Mabuti at hindi ka pinigilan ng iyong boss na si Abdullah.”
“Naunawaan niya ako. Sabi ko tutungo ako ng Australia dahil narito ang aking makakasama habambuhay. Tuwang-tuwa siya sa nangyari sa akin. Pero kung gusto ko raw magbalik sa Saudi, welcome ako.’’
“Di ba ang mga Arabo raw ay mababagsik at saka di ba minamaltrato ang mga Pinay DH.”
“Kakaiba ang employer kong si Abdullah. Siya yung tinatawag na Bedouin — mga orihinal na katutubo. Black siya. Pa-ngit. Pero kabaliktaran pala dahil napakaganda ng ugali.’’
“Kumusta nga pala si Gina at si Mulong?”
“Mabuti ang kalaga-yan nila. Hindi ko malilimutan ang dalawang iyon. Mabubuting kaibigan. Kung hindi dahil kay Gina, hindi kita makikilala.’’
Nakita kong gustong mapaiyak ni Alice. Siguro’y na-touched sa sinabi ko.
“Mahal na mahal kita, Alice.” (Itutuloy)
- Latest
- Trending