May isang pangit(28)

“NATIGILAN daw si Mu-long nang marinig ang si-nabi ng asawang si Janice tungkol sa napapansin nitong tila may nanonood habang naliligo sa banyo. Iba na ang reaksiyon ni Mulong nang magsalita. May paghihinala na. Sinabi sa asawa na inspeksiyuning mabuti ang banyo bago maligo. At sinabi rin sa asawa na huwag maliligo nang hubo’t hubad. Magpanty naman daw habang naliligo. Seryoso si Mulong nang sabihin iyon. Paano’y nag-alala na baka nga mayroong nagtatangka sa kanyang asawa.

“Nang mga sumunod na araw ay si Mulong na ang nagtatanong sa asawa kung mayroon pa itong napapansin habang naliligo. Sabi ni Janice ay wala raw. Para raw nawala ang kutob niya na may lihim na nanonood sa kanya. Baka raw nakahalata.

“Saka nasabi ni Janice na baka ang among pulitiko ang naninilip sa kanya. Iyon naman ay hinala lang niya. Kasi’y ilang araw daw na wala ang pulitiko dahil maraming dinadaluhang pagtitipon. Kaya kutob niya ay walang naninilip. Pero sabi ni Mulong, mahirap paniwalaan na ang kanyang among pulitiko ang maninilip kay Janice. Kasi ang tingin niya sa amo ay kagalang-galang at nakikita niya ang ginagawa nitong pagtulong sa mga mahihirap na kababayan. Parang hindi niya magagawa ang ganoon. Pero nag-iisip din si Mulong sa sinabi ni Ja-nice.

“Pero nang may ikuwento pa si Janice kay Mulong tungkol sa narinig nitong mga ungol sa kuwarto ng kasamahang si Nena. Si Nena ang biyudang taga-laba. Nagtungo umano si Janice sa kuwarto ni Nena para humingi ng malinis na basahan. Pero naudlot ang pagpasok niya sa kuwarto ni Nena sapagkat mayroon siyang narinig na mga ungol. Aatras na raw siya pero dala ng kuryusidad ay kung bakit naisipan niyang su­milip sa nakaawang na pinto. Bahagya niyang naitulak ang pinto at bumu­ka iyon na tamang-tama na masi- lip ang nasa loob.

“Nagimbal si Janice nang makita si Nena. Nakatalikod ito, hubo’t hubad habang nasa likuran nito ang isang lalaki na walang tigil sa pag-ayuda ang baywang. Umuungol si Nena sa bawat ayuda. Nakilala ni Janice ang lalaki na walang iba kundi ang pulitiko.

“Nagmamadaling uma-lis ang gimbal na si Janice. Nagkakaroon na ng mga koneksiyon sa kanyang isip. Ang pagdududa niya sa pagkatao ng pulitiko ay lalong lumalawak. At kaila-ngang hanggang maaga ay makaalis na siya sa bahay na iyon. Baka siya naman ang isunod.

“Problemado naman si Mulong makaraang malaman ang kagimbal-gimbal na kuwento. Kung aalis si Janice nang bigla-bigla ay anong sasabihin ng among pulitiko sa kanya. Wala pa namang dahilan. At ano ba ang malay nila sa nangyayari sa dalawa. Baka may relasyon ang mga ito kaya pumapayag? Ayon kay Janice, walang pagtanggi si Nena.

“Pero buo na ang pas­ya ni Janice na umalis sa bahay na iyon. Hindi na raw niya hihintayin na may mangyari pa.

“Problemado si Mulong kung paano sasabihin sa among pulitiko na aalis na si Janice bilang cook. Kasi’y baka pati siya ay paalisin na rin ng amo. Paano ang buhay nila?”

(Itutuloy)

Show comments