Thelma (170)
“BAKIT mo itinatanong kung may nunal ako sa dibdib, Thelma?”
“Kasi ang may nunal daw sa dibdib ay suwerte sa negosyo, lalo na yung nasa gitna ng dibdib ang nunal.”
“Saan mo naman nalaman iyon?”
“Sa namatay kong ikalawang asawa. Totoo, Trevor.”
“Wala naman akong nunal sa dibdib. Nagkakataon lang siguro yun.”
“Totoo, Trevor. Ako merong nunal at napatunayan ko na talagang masuwerte.”
“Talaga?”
“Alam mo mula nang ako ang humawak sa tindahan ng damit ng asawa kong si Caloy, umunlad. Walang tigil ang mga customer sa pagdagsa. Maski nang itayo ang motorcycle parts, ganundin ang nangyari. Tingnan mo naman ang tindahan at nagkaroon pa ng branches. Totoo na kapag may nunal sa dibdib ay suwerte sa negosyo.”
“Gusto ko na yatang maniwala, Thelma.”
“Tingnan ko nga at baka may nunal ka sa dibdib Trevor. Baka hindi mo lang napapansin.”
“Ngayon na ba?”
“Oo. Tingnan ko ang dibdib.”
Itinaas ni Trevor ang t-shirt.
“O, tingnan mo, Thelma.”
Tiningnan ni Thelma. Maumbok ang dibdib ni Trevor.
“Wala nga.”
“Malinis na malinis sa nunal di ba?”
“Oo. Pero bakit ang lakas ng negosyo natin mula nang ikaw ang mag-managed. Nalampasan mo pa ang mga dati ko nang nagawang malaking sales. Ibig sabihin mas masuwerte ka pa kaysa sa akin.”
“Alam mo kung saan ako may nunal, Thelma?”
“Saan?”
Inilapit ni Trevor ang bibig sa taynga ni Thelma. Ibinulong ang sasabihin.
“Ay bastos! Puro ka biro, Trevor.”
“Totoo, Thelma. Sa “ari” ako may nunal. Nasa dulo.”
Napahagikgik si Thelma. Hindi naman niya alam kung nagbibiro o nagsasabi ng totoo si Trevor.
“Huwag kang magbiro Trevor.”
“Gusto mo makita, Thelma.”
Nagtawa nang tuluyan si Thelma. Hindi niya alam kung binibiro si Trevor.
Sa pagkagulat ni Thelma ay biglang hinubad ni Trevor ang kanyang pantalon. At saka inilabas ang “pet” na gustung-gusto ni Thelma.
Gimbal si Thelma sa nakita. Totoo nga. May nunal nga roon si Trevor. Buhay na buhay. Maitim na maitim.
“O anong masasabi mo, Thelma?”
“Oo nga Trevor. May nunal nga.”
(Itutuloy)
- Latest
- Trending