^

True Confessions

Thelma (161)

- Ronnie M. Halos -

Natapos ang ritwal nina Trevor at Thelma. Kung noon ay matindi ang nangyari sa kanilang unang ritwal, mas matindi ang nangyari ngayon sapagkat wala nang iniisip na bawal-bawal. Ang kanilang pagsasanib ay may basbas na. Hindi katulad noon na nagmamadali dahil bawal. Pero kahit nagmamadali, kumapit ang kamandag ni Trevor sa sinapupunan ni Thelma. At kahit pa sinabi ngayon ni Trevor na hindi siya makatiyak kung baog nga siya o hindi, para kay Thelma, hindi siya baog sa­pagkat nabuo nga ang kanilang pagtatalik noon. Sigurado siyang si Delmo ang baog sapagkat maraming taon na silang nagsasama na hindi siya nakaranas ng kakaiba sa katawan. Pero nang magsiping sila ni Trevor, makalipas lang ang isang buwan ay hindi na siya dinatnan ng regla. At ewan niya kung naghinala si Delmo sa bigla niyang pagbubuntis. Hindi nila pinag-usapan iyon at nakita naman niyang masaya si Delmo nang malaman na buntis siya. May pagkakataong naisip din ni Thelma na hindi kaya sadyang hinayaan sila ni Delmo ng madaling araw na iyon para magkasa-rilinan ni Trevor. Dahil nga wala siyang kakayahang na buntisin si Thelma kaya hinayaan si Trevor na akuin ang tungkulin niya.

“Anong inisip mo Thelma?”

Tanong ni Trevor na ikinapitlag ni Thelma.

“Tungkol sa pagbubuntis mo ano?”

Tumango si Thelma kahit na hindi iyon ang iniisip niya.

“Kapag nabuntis ka, magiging maligaya ako. Ako na siguro ang pinakamasa-yang lalaki sa mundo.”

“Paano kung hindi ako mabuntis?”

“Okey lang. Mayroon na naman tayong anak. Si   Trev di ba?”

Ngumiti si Thelma. Kung alam lang ni Trevor na si Trev talaga ay anak niya. Kung alam lang nito na ang pagsasalo nila noon ay nagbunga.

“Mas magiging masaya siguro tayo Thelma kung magkakaroon ng anak. Kahit na babae o lalaki, okey lang sa akin.”

“Hindi kaya ako mahirapan kung sakali, Trevor?”

“Kukunsulta nga tayo sa doc­tor. Ang doctor ang papa-wi sa mga kinatatakutan mo.”

Isang buwan makalipas ang honeymoon nina Thelma at Trevor, nakaramdam ng kakaiba si Thelma sa kanyang katawan. Madalas siyang mahilo at nasusuka. Naramdaman na niya iyon noong magbuntis siya kay Trev. At napangiti si Thelma sapagkat iyon na ang hinihintay niyang palatandaan. Buntis siya! Hindi siya maaaring magkamali. Nakadama siya ng kaligayahan. May maganda na siyang ibabalita kay Trevor pagdating nito galing Maynila. Buwan-buwan ay umuuwi ng probinsiya sina Trevor at Trev. Magkasama sa isang bahay sa Maynila ang dalawa. Nagtuturo pa rin si Trevor sa unibersidad na pinag-aaralan ni Trev.

Pagdating ng dalawa, masayang ibinalita ni Thelma kay Trevor ang kalagayan niya. Hindi maipaliwanag ang kasiyahan ni Trevor Buenviaje. Hindi siya baog kung ganoon.

(Itutuloy)

vuukle comment

DELMO

KUNG

MAYNILA

SIYA

THELMA

TREV

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with