Thelma (105)

“HALIKA rito sa loob, Judith,” anyaya ni Thelma. Ibinukas niya ang pintuan patungo sa kanilang bahay. Ang shop ng motorcycle spareparts ay nakadi-kit sa kanilang bahay.

“Tinatanggap mo na ako sa bahay mo? Pinatatawad mo na ako, Thelma?”

“Oo.”

“Salamat Thelma. Maligaya na akong mamamatay.”

Pumasok sila sa bahay. Sila lang ang nasa bahay. Wala si Trev. Nasa school.

“Maupo ka, Judith. Anong gusto mong kainin. May macaroni salad ako diyan at cake. Naghanda ako kahapon at may natira. Di ba birthday ni Caloy —ng papa mo kahapon. Ilang taon na rin ang nakalilipas. Parang kalian lang…”

Umiyak si Judith. Ang payat na katawan ay nayugyog dahil sa pag-iyak. Siguro’y nakonsensiya dahil sa nagawa sa ama niya.

“Ikuha kita ng pagkain, Judith?”

“Oo. Konti lang. Para kasing ayaw nang tanggapin ng sikmura ko ang pagkain.”

Tumayo si Thelma at ku­ muha ng pagkain. Nang bumalik ay naabutan niyang nakatingin sa kawalan si Judith. Malalim ang iniisip. Lalo nang lumalim ang mga mata at halatang payat na payat. Tila nga hindi na mag­­tatagal ang babaing ito. Noon, tila hindi ka-yang gibain ang kataasan ni Judith. Ngayon ay wala na ang kataasan. Unti-unti nang bu­ mabagsak. Nakita na kung paano maging ma-pagkumbaba. Masakit nga lang ay kung kailan malapit nang kunin ng Diyos.

“Kumain ka Judith. Masarap yan, dahil talagang hinusayan ko ang paggawa. Paborito kasi ni Caloy ang salad. Kahit gaano karami ay kaya niyang ubusin. Kain na Judith. Masarap din yang cake. Bagay na bagay sa salad…”

“Salamat, Thelma.” Kumutsara ito ng salad. Mali- it lang. Tila nga walang panglasa.

“Kumusta naman ang pamilya mo?”

Matagal-tagal din bago sumagot.

“Yung tatlo kong anak ay nasa bahay namin. Gusto ngang sumama nang malaman na pupunta ako rito pero sabi ko’y sandali lang ako. Isa pa’y ayaw kong malaman nila ang pag-uusapan natin.”

“Ang asawa mo?”

“Iniwan na kami. May ibang pamilya na. Pero ang balita ko ay patuloy pa rin sa church niya. Pastor pa rin daw. Hindi na ako interesado pagkaraan ng mga nangyari. Namulat na ako…kaya lang medyo huli na ang pagkamulat ko.”

Nakatingin lamang si Thelma kay Judith. Nakikita niya na malaki na nga ang pagbabago ng babaing ito. Sana ay hindi pa katapusan ng buhay niya. Sana ay mayroon pang biyayang ipagkaloob sa kanya ang Diyos.

“Gusto ko sanang makausap si Ara kaya lang ay parang hindi ako mapatawad. Puwede bang ikaw ang kumausap sa kanya Thelma. Ikaw na ang magsabi sa kanya ng mga nangyari sa akin. Puwede ba Thelma? Para lubos nang matahimnik ang kalooban ko.”

“Oo, Judith. Ako ang magsasabi ng lahat kay Ara.”

“Salamat, Thelma.”

(Itutuloy)

Show comments