^

True Confessions

Thelma (95)

- Ronnie M. Halos -

WALA na si Caloy. Nag-expired na. Matinding atake sa puso. Iyon ang mahinahong sinabi ng doctor kay Thelma. Alalay lang sa pagsasabi. Bakas sa mukha ng doctor ang pagtimbang sa kalooban ni Thelma. Maaaring may mangyari kapag sinabi ang masamang balita.

Napasugod si Thelma sa katawan nang walang buhay na asawa. Nabitiwan niya si Trev pero umiiyak din itong nakabuntot sa ina. Dinuhapang ni Thelma si Caloy.

“Caloyyy! Caloyyy! Bakit hindi mo man lang ako hinintay? Caloy, bakit mo agad ako iniwan?”

Si Trev ay umiyak din nang umiyak. Niyakap din ang nagisnan at itinuring na ama.

Habang umiiyak ay napansin ni Thelma ang mga mata ni Caloy ba bahagyang nakaawang. Isinara niya ang mga iyon. Bakit kailangang sa ganitong pagkakataon sila magkahiwalay ni Caloy. Hindi inaasahan ni Thelma na maikli ang magiging pagsasama nila ni Caloy. Bago pa lamang silang nagsisimula at bago pa lamang umuunlad ang kanilang negosyo.

Dalawang lalaki na ang nawawala sa kanyang buhay at parehong masakit ang pagkawala. Parehong hindi na niya nakausap. Si Delmo ay naaksidente sa minamanehong traysikel at patay na nang dalhin sa ospital. At ngayon ay si Caloy na hindi na rin niya naabutang buhay.

Pero mayroong dapat sisihin sa pagkamatay ni Caloy at walang iba kundi ang anak nitong si Judith. Kung hindi siya inaway ni Judith sa banko, hindi naman niya ito isusumbong kay Caloy. Ang pagsugod ni Caloy kay Judith ang dahilan kaya ito inatake sa puso. Masyadong naga­lit. Hindi nakayanan ang emosyon. Sabi ng traysikel drayber na si Mulong, nasabi pa raw ni Caloy na sunduin siya (Thelma). Habang naninikip ang dibdib ay siya ang naalala ng asawa.

Nanatili siyang nakasubsob sa walang buhay na si Caloy. Mainit pa ang katawan ng asawa. Si Trev ay nakayakap din sa ama-amahan.

Sa pagkakasubsob sa katawan ng asawa ay ang mga mangyayari sa hinaharap ang iniisip ni Thelma. Ngayong patay na si Caloy ay mas lalo na siyang aapihin ni Judith. Kung noong buhay pa si Caloy ay malakas ang loob na pagsalitaan siya nang masasakit at kung anu-anong panla­lait, ngayon ay lalo nang magiging matapang at mabangis. Pero maaari na siyang lumaban dito.

Hindi siya papayag na apihin ni Judith.

(Itutuloy)

ALALAY

BAKIT

CALOY

CALOYYY

HABANG

PERO

SI DELMO

SI TREV

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with