^

True Confessions

Thelma (73)

- Ronnie M. Halos -

IKINASAL sina Thelma at Caloy. Isang judge na kumpare raw ni Mang Calopy ang nagkasal. Sila lang. Sa bahay ng judge ginawa ang seremonya.

Nang matapos ang kasal ay kumain sila sa isang restaurant. Maraming inorder si Mang Caloy. Parang may bisita e tatlo lang sila sa mesa – siya, si Mang Caloy at Trev. Nakakalong si Trev kay Mang Caloy.

‘‘Baka hindi natin maubos yan,” sabi ni Thelma.

“Iuuwi natin ‘yan sa bahay. Gusto mo dagdagan pa natin para maimbitahan mo si Marie. Parang nakakapagselebreyt siya sa kasal natin.’’

‘‘Mahina ang katawan ni Ate Marie. Naaawa nga ako dahil payat na payat na.’’

‘‘Kanser ba ang sakit?’’

‘‘Oo. Naaawa nga ako. Siya lang sa mga pinsan ko malapit sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.’’’

‘‘Dalawin na lang natin at dalhan ng pagkain.”

“Ayaw magpadalaw. Kasi ayaw daw niyang makita siya sa ganoong itsura na payat na payat.’’

‘‘Kawawa naman. Ma-tagal ko nang kilala si Marie. May tindahan yan dati sa palengke.’’

‘‘Oo nga raw.’’

Napansin ni Mang Caloy na walang kibo si Trev.

‘‘O bakit walang kibo si Pogi?’’ tanong nito.

‘‘Naaalala ko po si Ma­­ ma Marie. Naaawa po ako sa kanya. Mabait po siya sa akin, Papa Ca­loy.’’

Napaluha si Thelma sa sinabi ni Trev. Si Mang Caloy ay pinigil ang pagdaloy ng luha.

‘‘O siya sige kumain na muna tayo at lalamig ang pagkain. Kailangang magselebreyt tayo dahil kasal na tayo.’’

“Siyanga pala, saan tayo uuwi, Caloy?’’

“Mamaya mo na malalaman, Thel. Kumain muna tayo.”

Natapos sila sa pagkain. Ipinabalot ang mga sobra.

Dinala na sila ni Mang Caloy sa bagong tirahan. Habang patungo roon ay nag-iisip si Thelma.

Hanggang sa sumapit sila sa isang bagong gawang bahay. Malapit sa munisipyo. Hindi makapaniwala si Thelma.

‘‘Ito ang bahay natin, Thelma. Bagumbago. Sari­ling-sarili,’’ sabi ni Mang Caloy habang inaalis ang kandado sa gate.

Hindi pa rin makapaniwala si Thelma.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE MARIE

CALOY

LSQUO

MANG

MANG CALOPY

MANG CALOY

NAAAWA

THELMA

TREV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with