^

True Confessions

Thelma(54)

- Ronnie M. Halos -

“BAKIT ako ang naisipan mong gawan ng kalokohan, Mang Caloy.”

Kakamut-kamot ng ulo si Mang Caloy. Sinabi na lahat ang lihim.

“Ikaw kasi ang pinakamaganda sa lahat nang mga naging tindera ko. At ikaw ang pinakamasipag at maaasahan. Ikaw ang nag-akyat sa akin ng suwerte, Thelma.”

“Yun pala e bakit bi­nabastos mo ako? Malaki ang pakinabang mo sa akin e ginagawan mo ako ng kawalanghiyaan. Da-pat nga pala lumayas na ako rito.”

“Huwag naman Thelma. Maawa ka naman sa akin. Talaga lang hindi ko mapigil ang aking sarili kaya nagawa ang paninilip sa iyo. Maysakit nga ako, Thelma.”

“Yung mga dati mong tindera, ano ang ginawa mo?”

“Ninakawan ko lang ng panty. Kaya nga marami akong nakolektang panty. Naroon sa cabinet.’’

Nakita na ni Thelma ang mga panty. Kaya pala mga luma na. Halos ang iba ay maluwag na ang garter.

“Sinilipan mo rin habang nasa banyo?”

“Hindi. Namimili rin ako ng sisilipan.”

“Pero sa panty hindi ka namimili?”

“Maysakit nga ako. Thel­­ma. Hindi ko nga ma­ipaliwanag kung bakit gusto kong kumuha o magnakaw ng panty. Hindi ako mapakali hanggat hindi     ko nakukuha ang gusto    ko. Paniwalaan mo ako.”

Hindi kumbinsido si Thel­ma sa sinabi ni Mang Caloy. Kung nagawa nitong nakawin ang panty ng tindera, maaari rin niyang silipan. Gagawa ng paraan para masilip ang tinatakpan ng panty.

At naisip din ni Thelma, bakit laging umaalis ang kanyang tindera? Bakit   laging nangangailangan ng tindera. Ibig sabihin, hindi na matagalan ang gi­naga-wa ni Mang Caloy.

“Patawarin mo na ako Thelma. Hindi ko na uulitin ang nangyari. Basta huwag ka lang aalis. Patawad na, Thelma.”

Ganun na lang ba kadali iyon?

“Akina ang cell phone mo na ipinangkuha mo sa akin, Mang Caloy. Patatawarin kita pero ibigay mo sa akin ang cell phone at aalisin ko ang mga kuha mo.’’

“Oo, Thelma. Ibibigay ko sa’yo. Sandali lang Thelma.”

Binuksan ni Mang Caloy ang drawer at kInuha ang cell phone.

“Eto Thelma. Kung gusto mo, sa’’yo na lang yan. Bago pa naman yan. Para makasiguro ka na hindi ko na mapapanood ang mga kuha ko sa’yo.’’

“Hindi Mang Caloy. Hindi ko kailangan ito. Aalisin ko lang ang mga kinuha mong picture o video rito.’’

“Sige Thelma. Kung yan ang gusto mo Thelma. Kung gusto mo, basagin mo na ‘yan o itapon sa ilog. Para lang mapaniwala kita na nagsisisi ako sa nagawa sa’yo. Patawarin mo lang ako, Thelma.’’

‘‘Aalisin ko lang ang mga picture dito at saka ko ibabalik sa’yo.’’

“Pero ipangako mo Thel­ma, na hindi ka aalis dito.”

Hindi sumagot si Thel­ma. Nagtatalo ang isip niya. Kung aalis siya, paano silang mag-ina? Saan siya kukuha nang kakainin nila. At saka nagsisisi na naman si Mang Caloy. Hindi niya alam ang gagawin. (Itutuloy)

AKO

LANG

MANG CALOY

THEL

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with