^

True Confessions

Thelma (48)

- Ronnie M. Halos -

“Si MANG Caloy, kamamatay lang ng asawa, e anu-ano na ang sinasabi,” sabi ni Thelma na hindi na nakatiis. Pero marahan lang ang kanyang pagkakasabi.

“Ay pasensiya na Thelma. Talagang ganito lang ako. Nagsasaya lang ako.”

“Baka pagmultuhan ka ng asawa mo, Mang Caloy.”

“Hindi naman siguro, Thelma. Saka nagsasabi naman ako ng totoo. Talagang gusto kitang makita kaya pumasok na ako. Wala namang masama roon ah.”

Hindi na nagsalita pa si Thelma. Huwag na nga lang niyang pansinin ang matandang ito para wala nang masyadong usapan pa. Hayaan na lang niya kung ganito ang trip. Hindi naman siguro siya mamamatay sa mga pag-bibiro nito na may pahiwatig na kakaiba. Pakiramdam niya’y atat na atat ang matanda.

“Kung ayaw mo na akong magbiro e di hindi na, Thelma. Pasensiya na ha?”

“Hindi naman po sa ayaw ko, Mang Caloy. Baka lang kasi may makarinig ay kung ano ang isipin lalo pa’t kamamatay lang ng asawa mo.”

“O siya sige at hindi na ako magbibiro kapag may makakarinig, he-he-he. Ano Thelma?”

Hindi na sumagot si Thelma. Makulit na ang matanda. Hayaan na nga lang niya ang matanda sa pagbibiro nito. Huwag na lang niyang problemahin. Mag-iisip lang siya. Baka tumanda lang siya.

AKALA ni Thelma ay hindi na siya makakaramdam na parang may maninilip habang gumagamit ng banyo. Pero mas lalo pang naging matindi ang mga nararamdaman niyang tila may mga matang “nakatutok” sa hiyas niya. Kung noon ay tila pahapyaw lang ang “pagtutok” ngayon ay tila hayok na hayok na ang mga matang nakatutok. At nakakadama na siya ng takot. Kakaiba na ito. Hindi na maganda ito.

Hindi naman niya malaman kung nasaan ang mga matang hayok. Wala naman kasing butas sa pader o pinto ng banyo. Wala talagang puwedeng silipan, pero pakiramdam niya, may nakatutok na kung anong gadget at malinaw na nakikita ang itinatagong “hiyas”. Sinasagad na yata ang pasensiya niya.

Kailangan ay mag-im-bestiga siya at kung maari nga, hulihin na niya ang sa pakiwari niya’y namboboso sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon na hindi mahahalata ni Mang Caloy.

(Itutuloy)

ANO THELMA

LANG

MANG CALOY

NIYA

PERO

THELMA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with