^

True Confessions

Takaw (115)

- Ronnie M. Halos -

WALANG sumasagot sa phone. Ring lang nang ring. Walang tao sa bahay nina Mam Mina!

Natuliro na si Trevor. Masama na ito. Usapan nila ni Mam Mina, tatawag ito kapag dumating sa bahay nila. May masama kayang nangyari? Mala­kas ang kutob niya na may nangyari at hindi lang basta-basta pangyayari.

Hindi sumuko sa pagtawag. Tumawag muli siya pagkalipas ng kalahating oras. Pero wala pa rin. Walang tao.

Ilang beses pa siyang tumawag nang araw na iyon. Pero nagdaan ang bu­ong araw ay walang sumagot sa telepono. Kinagabihan, nag-try uli siya. Wala talaga.

Kinabukasan ng umaga, try uli. Wala talaga.

Kung bakit hindi niya nakuha ang cell number nito. Ang laki niyang tanga. Nag-isip siya ng paraan kung paano makikita ang tirahan ni Mam Mina. Hanggang sa maisip niya na hanapin sa telephone directory. Doon niya nakita ang address. Walang duda iyon ang bahay ni Mam Mina. Nasa Biak na Bato, Quezon City. Malapit sa Sto. Domingo.

Tinungo niya iyon. Mahaba ang Biak na Bato. Pero hindi siya tumigil. Hanggang sa makita niya ang bahay.

Pero nagtaka si Trevor dahil may mga taong nag-uusyuso roon. May nakita siyang police car sa paligid.

Nagtanong siya sa isang may-edad nang lalaking nakikiusyuso.

“May nangyari ba diyan, bossing?” tanong niya.

“Oo. Sinaksak ng babae ang kanyang mister.”

Kinabahan si Trevor.

“Anong nangyari? May patay?”

“Patay daw ang lalaki. Yung babae e nasa ospital yata. Nasaksak din yata.”

“Ano raw dahilan?”

“Sabi pinagtangkaan daw ang anak na babae nung ama e naabot ng ina. Iyon ang balita.”

Nabubuo na sa isipan ni Trevor ang mga posibleng nangyari. Tiyak niya si Mam Mina ang babaing tinutukoy ng lalaking kausap.

“Saan daw ospital kaya dinala ang babae?”

“Hindi ko alam.”

“Sige salamat, bossing.”

Nag-isip si Trevor nang malalapit na ospital na posibleng pinagdalhan sa babaing pumatay sa asawa. Hindi siya titigil hangga’t hindi natitiyak kung si Mam Mina nga ang babaing sumaksak sa asawa. (Itutuloy)

BATO

HANGGANG

MAM MINA

NIYA

PERO

TREVOR

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with