^

True Confessions

Takaw (108)

- Ronnie M. Halos -

NAGKADIKIT. Dahan-dahan ang paglalapat subalit madali ang pamumuo ng init. Nagsimula na ang alimpuyo.

Nabitawan na ni Trevor­ ang natunaw na yelo. Bumagsak na sa sahig. Wala na siyang pakialam kahit na kumalat ang basa sa sahig. Madali lang linisin iyon. Mas mahalaga ang nangyayari ngayon na silang dalawa ni Mam Mina ang sangkot. Ngayon pa ba niya hahayaang ma­wala ang babaing ito na matagal na niyang pinapangarap?

Lumalakas ang alimpuyo. Hindi lamang si Trevor ang nakakadama ng ganoon, maski si Mam Mina ay ganoon na rin ang nadarama. Ipinadama na rin niya kay Trevor ang totoong damdamin. Wala na siyang pinangangambahan o kinatatakutan. Nakumbinsi na siya ni Trevor. Nakuha ni Trevor ang kanyang pagti­tiwala. At anuman ang ka­hi­natnan ng ginagawa nilang ito, bahala na. Saka na lamang mag-isip ng solusyon. Tulad ni Trevor, hindi na rin niya kayang labanan o pigilan ang pana­nalasa ng bagyong nasa katawan. Umaalimpuyo na. Nagpapatangay na siya sa anumang gawin ni Trevor. Alam ni Trevor ang gagawin. Matalino si Trevor kaya bawat kilos ay tama.

Kumalas ang labi ni Trevor sa maninipis na labi ni Mam Mina. Inalalayan siyang tumayo. Iginiya sa malambot na pang-isahang kama. Nayugyog ang kama sa bigat nila. Mas lalo pang naging mabangis ang alim­puyo nang mailatag ang mga katawan. Anumang sandali dadaan ang ma­lakas na bagyo at madarama na nila nang lubusan ang hinahanap at hina­hangad.

Sunud-sunuran na si Mam Mina. Wala nang pagtutol. Ni gaputok na salita ay walang namutawi para sansalain ang ginagawa ni Trevor. Alam na alam ni Trevor ang gagawin. Ka­kaiba si Trevor kaysa sa lalaking pinakasalan niya. Sana si Trevor na ang lalaking pinakasalan niya. Sana si Trevor na ang unang umangkin sa kanya.

Hanggang sa maging ganap ang kanilang pagsasanib. Ito ang kaganapan ng lahat. Ito na ang simula ng lubusan nilang pag-iisa.

Noon lamang nakadama si Mam Mina nang tunay na kasiyahan. Sa unang pagkakataon, nalasap niya ang sinasabing sarap.

Si Trevor naman ay nag­mamalaki sa nakamtan. Siya ang pinakamasayang lalaki.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANUMANG

BUMAGSAK

MAM MINA

SANA

SHY

SI TREVOR

TREVOR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with