^

True Confessions

Takaw (104)

- Ronnie M. Halos -

IBINABA na ni Mam Mina ang telepono. Wala nang ibang sinabi maliban sa pupunta siya sa tirahan ni Trevor. Umiiyak si Mam Mina. Si Trevor naman ay tulala matapos mai-baba ang telepono. Nasa isip niya na may malaking problema si Mam Mina. Kung hindi malaki, bakit umiiyak ito at karakang ipinasya na makikipagkita sa kanya. Sa himig ng pananalita ay mayroong gustong isumbong si Mam Mina.

Sa pakiramdam ni Trevor ay napakabagal lumipas ng oras. Gusto niya ay narito na agad si Mam Mina para malaman kung ano ang nangyari at bigla itong nagpasya na pumarito. Gusto niyang matulungan agad si Mam Mina kung anuman ang kailangan nito. Kahit ano ay gagawin niya matulungan lamang si Mam Mina.

Hindi mapakali si Trevor kaya minabuting abangan na si Mam Mina sa ibaba. Tumayo siya sa mismong gate ng bahay para makita ang pagdating ni Mam Mina. Tiyak niya na nakasakay sa taxi si Mam Mina gaya nang una itong magtungo rito.

Habang naghihintay ay panay ang sul­yap ni Trevor sa kanyang relo. Kalahating oras na ang nakalilipas mula nang tumawag si Mam Mina. Noon natatandaan niya ay kalahating oras din bago dumating si Mam Mina. Malapit na marahil ito. Wala namang trapik kaya hindi magtatagal at darating na ito. Malapit na si Mam Mina.

Hanggang isang dilaw at berdeng taxi ang tumigil sa mismong tapat ng gate. Si Mam Mina na!

Binuksan ni Trevor ang gate. Agad hina­wakan ang pintuan ng taxi at binuksan. Si Mam Mina nga. Binabayaran ang fare.

Nang mabayaran ay umisod palabas. Inalalayan ni Trevor pagbaba. Nang ma- kababa ay isinara ni Trevor ang pinto at umalis na ang taxi.

“Halika sa itaas,” sabi ni Trevor. Lumakad sila. Nasa hulihan si Trevor. Naka-sunglass si Mam Mina. Nakaputing long sleeves at pantalong maong. Tila may itinatago sa mukha si Mam Mina. Natatakpan ng salamin.

Nang makarating sa itaas ay saka nalaman ni Trevor ang lahat.

Umiiyak si Mam Mina habang nagsasalita. Inalis ang malapad na sunglass at nalantad ang nangingitim na pasa sa ilalim ng kanang mata. Sinapak daw siya ng hayop na asawa!

(Itutuloy)

vuukle comment

MALAPIT

MAM

MAM MINA

MINA

NANG

SI MAM MINA

SI TREVOR

TREVOR

UMIIYAK

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with