^

True Confessions

Takaw(96)

- Ronnie M. Halos -

“ANO ba itong nangyaya-ring ito? Kung saan-saan na napunta ang usapan natin, Trevor…” sabi ni Mam Mina pagkaraan nang matagal-tagal ding katahimikan.

“Hindi ko nga rin alam Mam Mina kung bakit doon napupunta..”

“Mabuti kaya umuwi na ako. Para maiwasan ang anuman…”

“Maaga pa naman. Mamaya na lang.”

“Kasi’y ano, mahirap na Trevor.”

“Mamaya pa ng kaunti, please lang.”

“Nararamdaman ko, Tre­ vor kapag hindi ako umalis baka may mangyari…”

“Alam ko, Mam Mina…”

“Nararamdaman ko ma­aaring mangyari ang iniisip ko. Pero kaya ko pang labanan at pigilan…”

“Ano naman kung mangyari ang iniisip mo?”

“Kakahiya, Trevor. Ako ang sisisihin kapag nangyari itong naiisip ko. Una­wain mo ako.”

“Pero gusto mo?”

Hindi sumagot si Mam Mina. Ibinaling ang pani-ngin. Tila napaso kay Trevor.

Nang magsalita ay desidido na sa pasya.

“Aalis na muna ako…”

Hindi na niya mapipigilan si Mam Mina. Talagang malakas ang pagtitimpi ng babaing ito. Kayang ha­ra­pin ang tukso kahit unti-unti nang lumulukob sa katawan. Nanunuot na at handa nang tumupok.

“Bye, Trevor.”

Tumayo si Mam Mina. Lumakad at bumaba sa hagdan. Narinig ni Trevor ang mga bagsak ng sapatos sa baytang. Hanggang sa mawala.

Hindi na kumilos si Tre­vor sa pagkakaupo. Na­walan siya ng lakas. Hindi niya alam kung ano ang mga susunod pa.

At hindi rin niya alam kung kailan sila magkikita muli ni Mam Mina. O magkikita pa kaya sila ngayong unti-unti nang nabubuk-san ang isang relasyon?

(Itutuloy)

MAM

MAM MINA

MAMAYA

MINA

NARARAMDAMAN

PERO

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with