^

True Confessions

Takaw (93)

- Ronnie M. Halos -

“KUNG kailan pa sila tumanda, saka nagkanya-kanya ng landas,” sabi niTrevor na ang tinutukoy ay ang paghihiwalay ng ama at ina. “At sa paghihiwalay nila, ako ang apektado. Mabuti na lang at nag-iisa akong naiprodyus nila. Mag-isa kong dinala ang sakit…”

Nakatingin pa rin si Mam Mina. Naaawa kay Trevor.

“Sila, lalo si Mommy, ang inisip lang ay ang sarili. Aywan ko, pero yun ang naiisip ko. Hindi man lang naisip na mayroong mas higit na apektado sa kanilang ginawang paghihiwalay…’’

“Sabi mo nasa ibang bansa na ang mommy mo, yung lalaki pa rin na ka-affair ang kasama?’’

“Oo. Nagsasama na sila roon. Hanggang doon lang ang alam ko. Kahit naman nagkakausap kami ni mommy sa phone, di ako nagtatanong ng tungkol dun.’’

‘‘E ang daddy mo meron na ring kinakasama?’’

“Oo.”

“Wala na talagang pakialaman?’’

“Oo. Pero patuloy akong pinadadalhan ng pera. May galing kay mommy at kay daddy. Maganda ang trabaho ni mommy sa Maryland, malaki raw ang suweldo. Si Daddy naman nasa Customs, malaki ang sikwat. Nagdedeposit na lang sila sa account ko. Pero pagkumita na ako dito sa mga project ko, sasabihin ko sa kanila na huwag na akong padalhan. Kaya ko nang pakainin ang sarili ko. Kung nakatagal ako noong bagong hiwalay sila e di mas lalo pa ngayon na matigas na ang bagwis ko.”

Natahimik. May iniisip sila kapwa.

Si Trevor ang unang nagbukas.

“Kaya nga nang ikuwento mo sa akin na pilit mong itinatago ang tunay na situation sa pagsasama n’yo ng husband mo at baka maapektuhan ang iyong daughter, napag-isip-isip ko may katwiran ka. Pilit mong pinagtatakpan ang masama mong asawa para lamang hindi masira ang pamilya. At humanga ako dahil sa labis mong pagmamahal sa iyong anak. Kung naging katulad mo sana si Mommy...’’

Napangiti si Mam Mina sa papuri ni Trevor.

“Problema lang. hindi ko naman malaman kung hanggang kailan ko itatago.”

“Kaya nga sabi ko sa’yo ipagtapat mo na sa kanya.’’

Napatango na lang si Mam Mina.

Maya-maya, iniba na ang usapan.

‘‘Mabuti at wala ka pang siyota?”

Nagtawa si Trevor.

“Ba’t ka nagtawa?’’

‘‘Wala lang.’’

(Itutuloy)

KAYA

LANG

MAM MINA

OO

PERO

SI DADDY

SI TREVOR

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with